July 26, 2023
Mahigit 100 detenidong pulitikal sa isla ng Negros at 29 sa Bicutan sa Metro Manila ang naglunsad ng 24-oras na pag-ayuno bilang protesta sa SONA ni Ferdinand Marcos Jr. Sa tinaguriang protestang 24/24, iginiit nila ang pagtigil sa ekstra-hudisyal na mga pamamaslang ng militar at iba pang pwersa ng estado sa mga aktibista at sibilyan sa ngalan ng kampanyang ng kontra-insurhensya.
Panawagan ng mga detenido sa Negros ang kagyat na pagpapalaya sa siyam na matanda at maysakit nilang kasama, kaalinsunod sa writ of kalayaan na nakasampa sa Korte Suprema na pumapatungkol sa pagpapaluwag ng sobrang siksikang mga kulungan sa bansa. Kabilang sa kanila ang 66-anyos na si Epifanio Romano, 65-anyos na si Diosdado Caballero, 63-anyos na sina Sidwin Gordoncillo at Azucena Garubat, 61-anyos na sina Corazon Javier, at ang 60-anyos na sina Nilda Bertolano, Andres Pasyonela, at Abraham Villanueva, gayundin si Lindy Perocho.
Sa 778 detenidong pulitikal sa bansa, halos 20% o 139 ay nasa isla.
“Ang mabilis na pagdami ng mga nakakulong na aktibista at mga karaniwang indibidwal sa Negros at iba pang bahagi ng bansa ay ibinunga ng walang puknat na paglabag sa mga karapatang pantao at lansakang pag-atake sa mga karapatang sibil kung saan inilulunsad ang nakapokus na mga operasyon ng pinagsamang mga tropa at ahensyang sibil sa pamumuno ng NTF-Elcac,” ayon naman sa mga bilanggong pulitikal sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan, na nag-ayuno bilang pakikiisa sa mga detenido sa Negros.
“Ang kalagayan ng mga bilanggong pulitikal sa Negros ay di naiiba sa aming kalagayan,” anila. “Nais din naming tutulan ang kaliwa’t-kanang paggamit ng mga batas pangunahin na ang Anti-Terrorism Act of 2020, ang nilikha nitong Anti-Terrorism Council, at nitong huli, ang Executive Order No. 33 ng gobyernong Marcos Jr. noong Hulyo 4, 2023 na naglakip ng “counter proliferation financing” sa National Anti-Money Laundering and Countering Financing Terrorism Strategy.”
Kabilang sa mga nakakulong sa Bicutan sina Ernesto Jude Rimando, Frank Fernandez, Rene Atadero, Rey Casambre, Mark Ryan Cruz, Joel Demate, Vicente Ladlad, Edisel Legaspi, Maoj Maga, Juan Alexander Reyes at Adelberto Silva.
https://philippinerevolution.nu/angbayan/mga-detenidong-pulitikal-sa-negros-at-metro-manila-nag-ayuno-bilang-protesta-kasabay-ng-sona-ni-marcos-jr/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.