Florante Orobia
Spokesperson
NPA-Albay (Santos Binamera Command)
New People's Army
June 09, 2023
Nananawagan ang Santos Binamera Command Bagong Hukbong Bayan – Albay sa mamamayang Albayano/Bikolano para sa higit na pagtutulungan kaugnay sa pagsabog ng bulkang Mayon.
Marami sa ating mga kababayan ang dati nang nasa gitna ng kahirapan, kagutuman at tagtuyot dagdag ang delubyong hatid ng pagsabog ng bulkang Mayon. Ngayon higit kailanman, kailangan ang mahigpit na pagbibigkis ng mamamayang Bikolano.
Umaabot na sa 10, 000 mga residente ang nangangailangang kagyat na ilikas mula sa 6km permanent danger zone. Sa mga kababayan nating labas dito, nananawagan po tayo ng tulong batay sa kanilang kakayaning iambag.
Nananawagan din ang SBC BHB – Albay sa saklaw ng mga larangang gerilya nito na tumulong, mag-ambag at sumuporta sa pamamagitan ng sama-samang pag-iipon ng anumang tulong pinansyal at materyal para sa mamamayang Albayano. Kumilos at pasuportahin ang lahat ng mamamayan na saklaw nito upang dalhin ang anumang makakayanang suporta sa apektadong mga residente.
https://philippinerevolution.nu/statements/panahon-ng-pagkakaisa-at-pagtutulungan/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.