Florante Orobia
Spokesperson
NPA-Albay (Santos Binamera Command)
Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command)
New People's Army
June 10, 2023
Binabati ng Santos Binamera Command – BHB Albay ang magkasabay at mahusay na paglulunsad ng mga yunit ng Hukbo nito ng operasyong harasment sa dalawang detatsment ng kaaway kaninang umaga, humigit kumulang alas 7: 30 ng umaga June 10. Nagbubunyi ang masang Albayano sa nasabing mga aksyon.
Inilunsad ng isang tim ang operasyong haras sa detatsment ng CAFGU sa Barangay Pantao, Libon kasunod ng isa pang harasment sa detatsment ng CAFGU sa Barangay Cuyaoyao, Pio Duran parehong bayan sa probinsya ng Albay.
Ang aksyon ay tugon sa malaon nang hinihingi ng masang Albayano sa kanilang nararanasang mga pang-aabuso mula sa mga elemento ng AFP at nang nasabing mga detatsment.
Matatandaang nang nakaraang Mayo 24, 2023, pinatay ng mga militar ang walang kalabang-laban na si Zaldy Cañaveral sa kanyang maisan at pinalabas na napaslang na BHB sa “labanan” sa Barangay Busac, Ligao City gayundin ang ekstra-hudisyal na pagpaslang kay Vernon Bonggat, magsasaka, residente ng Barangay Tablon, Oas, Albay noong Pebrero 21, 2023. Laganap din ang militarisasyon sa maraming barangay sa Oas, pinuwestuhan ng mga berdugo ang mga Barangay ng San Pascual, Ramay, San Miguel, Mayag, Badbad, Del Rosario, Tobgon at Tablon. Gayundin, patuloy na ginagamit ng mga elemento ng AFP ang ilang kabataan upang wasakin ang pagkakaisa ng mamamayan. Sa bayan din ng Oas, ginamit ng 49th IBPA ang isang kabataang may mental problem, sinamantala ang kanyang pagkakasakit upang gamitin sa kanilang mga operasyong militar.
Tuwing may okupasyon ng militar, mayroong matinding pang-aabuso sa mamamayan. Kahit kailan, hindi nagtanggol ang mga elemento ng AFP para sa kapakanan ng mamamayan bagkus sila ay tagapagbantay ng mga pag-aari ng mga lokal na burukrata kapitalista at malalaking burgesya kumprador.
Magsilbing babala sa mga elemento ng AFP ang nasabing aksyon. Hinding hindi matatapos ang rebolusyon katulad ng pangarap ni Marcos Jr. Matuto na siya sa aral ng mga nagdaang rehimen kabilang na ang kanyang ama na nagsalita ng tapos ngunit sa huli ay kinain ang kanilang mga sinabi. Lahat ng nagdaang rehimen ay nangarap kitlin sa usbong ang rebolusyonaryong kilusan pero silang lahat ay sinampal habang nananaginip ng gising!
https://philippinerevolution.nu/statements/dalawang-operasyong-haras-inilunsad-ng-bhb-sa-albay/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.