Posted to the Eastern Mindanao Command (EASTMINCOM) Facebook Page (Jun 9, 2023): Dating stronghold ng NPA sa Davao de Oro, ngayon ay maunlad na dahil sa EO 70 ng pamahalaan (Former stronghold of the NPA in Davao de Oro, now it is prosperous because of EO 70 of the government)
Radyo Pilipinas Davao·
Matapos ang ilang dekada ng kahirapan at takot habang nasa kontrol ng New People's Army, tinatamasa na ngayon ng mga mamamayan ng Brgy. Sangab, Maco sa Davao de Oro ang kapayapaan at kaunlaran dahil sa EO 70 o ang Whole-of-Nationa Approach to End Local Communist Armed Conflict o ELCAC.
Ang Barangay Sangab ay kilalang stronghold ng New People's Army sa loob ng maraming taon, kung saan ilang mga POW na ang inirelease ng NPA dito noong alkalde pa si Former President Rody Duterte.
At dahil sa agresibong hakbang ng pamahalaan sa pagsugpo ng insurhensiya sa pamamagitan ng EO 70, ramdam na ng mga residente ang kaunlaran sa kanilang pamumuhay at kanilang komunidad.
Ang Barangay Sangab ay kilalang stronghold ng New People's Army sa loob ng maraming taon, kung saan ilang mga POW na ang inirelease ng NPA dito noong alkalde pa si Former President Rody Duterte.
At dahil sa agresibong hakbang ng pamahalaan sa pagsugpo ng insurhensiya sa pamamagitan ng EO 70, ramdam na ng mga residente ang kaunlaran sa kanilang pamumuhay at kanilang komunidad.
Sa tulong ng Barangay Development Program Fund na P20M, nakapagpagawa na sila ng access roads, electrification, water system pati na barangay health station na na-turnover noong 2022.
Sa pamamagitan ng Special Area for Agricultural Development o SAAD program ng Department of Agriculture, nabigyan sila ng dalawang banana farms na may lawak na 7.25 na ektarya, mga kambing, at itik para sa pangkabuhayan ng mga benepisyaryo.
Ayon kay Eugene Cabalida, chairman ng people's organization na Sangab Energetic Farmers' Association o SEFA, umabot sa P300,000 ang kanilang kita sa unang harvest pa lang ng Lakatan na saging noong Pebrero na aniyay naging malaking tulong sa kanilang mga miyembro.
Ayon kay Brgy. Sangab Chairman Delbert Cañedo, ngayon lang nila natamasa ang kaunlaran ng kanilang pamumuhay at komunidad na noo'y akala nilang isang pangarap lang habang nasa kontrol ng CPP-NPA ang kanilang barangay.
Pangako ni Cañedo na sisikapin niyang mapapanitili ang kooperasyon ng bawat miyembro ng kanilang komunidad para sa tuloy-tuloy na pag-unlad ng kanilang pamayanan sa pamamagitan ng patuloy na pakikipagtulungan sa pamahalaan.
Ngayong June 12, ipagdiriwang ng probinsya ng Davao de Oro ang unang anibersaryo ng pagkakadeklara nitong insurgency-free kasabay ng Independence Day. | via Maymay Benedicto
https://www.facebook.com/photo/?fbid=285709493823890&set=pcb.285709937157179
https://www.facebook.com/eastmincomafp/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.