Saturday, June 10, 2023

CPP/NPA-Camarines Norte: Mga sundalong nagpapanggap na rebelde, binira ng NPA

Propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Philippine Revolution Web Central (PRWC) Website (Jun 10, 2023): Mga sundalong nagpapanggap na rebelde, binira ng NPA (Soldiers pretending to be rebels, destroyed by the NPA)
 


Carlito Cada
Spokesperson
NPA-Camarines Norte (Armando Catapia Command)
Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command)
New People's Army

June 09, 2023

LABO, CAMARINES NORTE—Tatlong sundalo ang kumpirmadong kaswalti sa pinakahuling labanan ng New People’s Army at 9th IBPA noong Hunyo 8 sa Purok 5 ng Barangay Canapawan.

Naganap ang sagupaan ala-una y media ng madaling araw at tumagal ng halos 15-minuto. Walang pinsala at ligtas na nakaatras ang napalabang yunit gerilya.

Kasalukuyang nag-i-scouting ang isang tim ng NPA sa paligid ng kanilang pinagpapahingahan nang masumpungan nila ang mga sundalo sa di kalayuan. Kaagad pinagbabaril ng pulang mandirigma ang nagulat na mga sundalo.

Walang habas na nagpaputok ang sundalo kung saan-saang direksyon at kahit wala na ang NPA na kanilang target ay tuloy ang strafing. Tumagal pa hanggang alas tres ng madaling araw ang pangraratrat at pagpapasabog ng sundalo.

Bago ang labanan, napabalitang nagpapanggap na NPA ang mga CAFGU at tropa ng 9th IBPA sa naturang barangay. Tinatakot nila ang mga magsasaka at inoobligang lumikas sa kanilang mga dampa at sakahan.

Hanggang kasalukuyan ay pinagbabawalan ang mga residente na umahon ng bundok at pumunta sa kanilang mga bukirin. Labis itong ipinag-aalala ng mga magsasaka dahil mayroon silang mga alagang hayop at pananim na dapat asikasuhin.

Mariing kinondena ng Armando Catapia Command ang ganitong combat operations ng sundalo na nagreresulta sa pagkaabala at pagkapinsala ng kabuhayan ng mga magsasaka.#

https://philippinerevolution.nu/statements/mga-sundalong-nagpapanggap-na-rebelde-binira-ng-npa/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.