June 07, 2023
Hindi maitanggi ang mapangwasak na epekto ng walang habas na pambobomba at panganganyon ng Armed Forces of the Philippines sa kalikasan at mga sibilyang komunidad.
Kabilang dito ang pisikal na pinsala sa kapaligiran, mga pagbabago sa kalupaan at pagkasira ng habitat o pamumuhay ng wildlife, polusyon sa hangin at tubig, ingay, pag-aambag sa greenhouse gas emissions na sanhi ng pag-init ng planeta. Pagkawasak naman ng mga tahanan, sakahan, at peligro sa buhay ang ilan sa idinudulot nito sa mga sibilyang komunidad at matataong lugar. Itinutulak nito ang paglikas ng mga residente sa kanilang mga komunidad at tungo sa mga siksikan at walang katiyakang mga sentro ng ebakwasyon.
Sa isang porum na pinangunahan ng grupong Kalikasan People’s Network for the Environment (Kalikasan PNE) noong Mayo 24, tinalakay ng mga aktibistang pangkalikasan ang mga partikular na epekto nito sa ilang susing biodiversity area sa bansa.
Sa ulat ng grupo, di bababa sa pitong pangunahing biodiversity area at mga reserbang kagubatan ang isinapanganib ng pambobomba at panganganyon ng AFP mula Hunyo 2022 hanggang sa kasalukuyan. Sa kabuuan, di bababa sa 62 endemic species at mahigit kalahating milyong ektarya ng susing biodiversity area ang apektado sa panahong ito. Saklaw ng ulat ng grupo ang mga bundok at kagubatan ng Bukidnon, Cagayan, Kalinga, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Negros Occidental at Negros Oriental.
Dagdag dito ang pagbagsak ng AFP ng dalawang bomba gamit ang isang drone sa Mt. Katarugan sa Barangay Lobo, Cantilan, Surigao del Sur noong Mayo 11. Sa lugar na ito matatagpuan ang kagubatang Cabitoonan, na naglalaman ng di bababa sa 23 species ng endangered na puno.
Tinalakay din sa porum ang pinsalang dala ng pambobomba at panganganyon na isinasagawa sa mga war game sa pagitan ng US at Pilipinas. Sa unang hati ng taon, tatlong war game na ang inilunsad sa soberanong teritoryo ng Pilipinas na nagsagawa ng live-fire exercises o pagpapasabog ng iba’t ibang klaseng bomba na nagsasapanganib sa ekosistema sa kagubatan at karagatan. Kabilang dito ang Balikatan exercises noong Abril 11-18, na sinundan ng Kasangga exercises kasama ang Australia at ng kasisimula lamang na naval drills sa Bataan kasama ang US at Japan.
Di maipananauli na pinsala
Mula 2017 hanggang 2022, umaabot sa mahigit 591 ang inihulog na bomba ng AFP, 589 bomba mula sa panganganyon at 74 rounds ng pang-iistraping. Naitala ang mga insidente sa mga bundok at kagubatan ng Bukidnon, Cagayan, Kalinga, Samar, Panay at sa mga prubinsya ng Mindoro, Negros, Surigao, Agusan, Davao, Cotabato, Lanao at Maguindanao. Marami sa mga insidenteng ito ay hindi naisisiwalat sa publiko. Sa ilang inaamin ng AFP, inilalarawan ang mga pambobomba bilang “close air support” gayong mas madalas na nauuna ang mga ito sa kanilang tropa sa kalupaan.
Isa sa mga kaso ang mapaminsalang pambobomba sa Saldab Complex noong Nobyembre 2, 2021, kung saan kumalat ang apoy sa tuktok ng isang bundok sa Gabunan, Barangay Dumalaguing, Impasug-ong, Bukidnon. Ang kagubatan dito ay malaon nang ipinadedeklarang protektado dahil kanugnog ito ng protektadong Mt. Kitanglad Range. Nagsisilbi itong karugtong na habitat ng endemic na species ng mga ibon, kabilang ng Philippine eagle.
Sa Panay, nag-iwan ng malalaking crater ang bombang inihulog ng militar noong Disyembre 2021. Ang mga butas sa lupa na malapit sa mga sakahan ay may lapad na 20 talampakan at lalim na 15 talampakan. Nagdulot ng troma ang pambobombang sinabayan ng panganganyon.
Pinakabrutal at pinakamalawak na kampanyang pambobomba ang pag-atake ng AFP sa Marawi City noong 2017. Mahigit 1,000 katao ang naiulat na nasawi, at tinatayang aabot sa ₱17 bilyon ang halaga ng nasirang ari-arian at imprastruktura. Hanggang ngayon, hindi pa rin nakauuwi ang mahigit 80,300 katao o 16,070 pamilya na nagsisiksikan sa mga evacuation center. Tinatayang umabot sa ₱5 bilyon ang winaldas ng gubyerno para pulbusin ang syudad.
https://philippinerevolution.nu/2023/06/07/mapangwasak-na-epekto-ng-pambobomba-ng-afp-sa-kalikasan-at-mga-komunidad/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.