June 08, 2023
Kinalampag ng iba’t ibang mga grupo kahapon, Hunyo 7, ang Camp General Servillano A. Aquino sa Tarlac upang igiit ang paglilitaw kina Gene “Bazoo” De Jesus at Dexter Capuyan, dalawang aktibista na dinukot ng pulis at militar sa Taytay, Rizal noong Abril 28. Kasamang nagprotesta ang mga kamag-anak at kaibigan ng dalawa na binansagang Taytay 2 na pinaniniwalaang nasa kustodiya ng estado. Ang naturang kampo-militar ay hedkwarters ng Northern Luzon Command ng Armed Forces of the Philippines.
Kinundena ng mga nagprotesta ang iskema at patakaran sa sapilitang pagkawala o enforced disappearances ng estado laban sa mga aktibista at rebolusyonaryo.
Ayon sa ulat ng mga grupo ng karapatang-tao, dinukot ang dalawa ng mga ahente ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Golden City, SM Hypermarket sa Taytay. Sapilitan silang isinakay ng mga ahente ng estado sa dalawang sasakayan.
Labis ang pag-aalala ng mga kaanak sa kalagayan at kaligtasan ng dalawa. Inakusahan ng militar si Capuyan bilang lider ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa Ilocos-Cordillera. Katunayan, may pabuyang ₱1,850,000.00 sa sinumang makadadakip o makapapatay sa kanya. Idinadawit siya sa mga kaso ng pagpatay, bigong pagpatay at tangkang pagpatay.
Samantala, si de Jesus ay upisyal sa impormasyon ng Philippine Task Force for Indigenous Peoples. Ang dalawa ay parehong alumni o dating estudyante ng University of the Philippines-Baguio.
Ayon sa mga grupo, dapat managot ang mga yunit ng pulis at militar na sangkot sa pagdukot at iligal na pagbibimbin at pagkakait sa mga karapatang ligal ng dalawa.
https://philippinerevolution.nu/angbayan/kampo-militar-sa-tarlac-kinalampag-taytay-2-ilitaw/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.