Friday, June 9, 2023

CPP/Ang Bayan Daily News & Analysis: Mga unyon sa Laguna, binweltahan ang NTF-ELCAC

Ang Bayan Daily News & Analysis online propaganda posted to the PRWC Newsroom, the blog site of the Communist Party of the Philippines (CPP) Information Bureau (Jun 9, 2023): Mga unyon sa Laguna, binweltahan ang NTF-ELCAC (Unions in Laguna, NTF-ELCAC sold out)
 





June 09, 2023

Pinangunahan ng unyon ng Gardenia at Philfoods ang mga manggagawa ng Laguna sa pagpiket sa Sta. Rosa noong ika-6 ng Hunyo bilang pagpapamalas ng pagtutol nila sa serye ng harasment at pagdalaw ng mga sundalo at NTF-ELCAC sa kanilang mga pabrika para mang red-tag sa mga unyonista sa mga inilulunsad nitong mga seminar.

“Mariin naming kinukundena ang malawakang red-tagging sa hanay ng mga manggagawa sa Gardenia at Philfoods. Unyon lang ang tanging paraan ng mga mangagawa upang magkaron ng boses sa kapitalista sa gitna ng malawakang kontraktwalisasyon, mababang pasahod, at kawalan ng benepisyo. Kung wala nito ay mananatiling barat ang sahod kaya patuloy silang nakikibaka para sa kanilang mga batayang karapatan.” anang tagapagsalita ng PAMANTIK KMU.

“Ang lahat ng paglulunsad nila ng mga anti-union seminars at pagsasagawa nila ng pagbabahay bahay para sindakin ang mga manggagawa ay malinaw na paglabag sa kalayaang makapag-organisa, magtayo unyon, makipagtawaran sa kapitalista. Kaya hangga’t nandyan ang red-tagging, magpapatuloy ang paglaban.” pagsasara nito.

Dalawang taon na rin ang nakalilipas matapos maganap ang marahas na Bloody Sunday sa rehiyon ng Timog Katagalugan na ang pangunahing mga biktima ay mga unyonista at tagapagtaguyod ng karapatan ng mga manggagawa subalit wala pa ring napapanagot sa likod ng krimen na ito.

https://philippinerevolution.nu/angbayan/mga-unyon-sa-laguna-binweltahan-ang-ntf-elcac/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.