Friday, June 9, 2023

AFP: PRESS RELEASE | 3 Sugatang NPA sa Camarines Sur, Iniligtas ng mga Sundalo

Posted to the Armed Forces of the Philippines (AFP) Facebook Page (Jun 8, 2023): PRESS RELEASE | 3 Sugatang NPA sa Camarines Sur, Iniligtas ng mga Sundalo (3 Wounded NPA in Camarines Sur, Rescued by Soldiers)

Ang maisalba ang buhay ng tatlong (3) sugatang NPA mula sa engkwentro ang naging prayoridad ng tropa ng 81st Infantry Battalion matapos nilang makaengkwentro ang mga ito sa pagitan ng Baragay Cotmo at Barangay Aldezar, Sipocot, Camarines Sur nitong alas-11 ng umaga, Hunyo 7, 2023.

Matapos ang 15 minutong palitan ng putok, agad nagsipulasan ang mga teroristang NPA patungo sa magkakaibang direksyon at walang awang iniwan ang kanilang mga kasamahang nasugatan sa nasabing engkwentro na agad namang nilapatan ng pangunang lunas ng naka engkwentrong mga sundalo.

Maliban dito, nakuha din sa pinangyarihan ng engkwentro ang ilang armas kabilang na ang: dalawang (2) M16 rifle; dalawang cal. 45 pistol: mga bala; at mga personal na kagamitan.

Una rito, napag-alaman ng 81st Infantry Battalion mula sa mga nagmamalasakit na mamamayan sa umano'y presensiya ng mga NPA sa lugar na agad nilang inaksyunan.

Kaugnay nito, binigyang diin ni Maj, Gen Adonis R Bajao, pinuno ng 9th Infantry "Spear" Division, Philippine Army at Joint Task Force Bicolandia (JTFB) na mas maigi na sumuko na sila (NPA) para maiwasan na ang bakbakan at ang kasawian ng kanilang mga kasama. Pinuri naman ng heneral ang mga tropa ng 81IB dahil sa pagsalba sa buhay ng tatlong sugatang NPA na ngayon ay pinapagamot na. /// (Story and Photos by 9ID, PA)







https://www.facebook.com/photo?fbid=624237036405377&set=pcb.624237119738702

https://www.facebook.com/armedforcesofthephilippines

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.