Michael Robredo
Spokesperson
NPA-West Camarines Sur (Norben Gruta Command)
NPA-Camarines Sur (Eduardo Olbara Command)
New People's Army
April 09, 2023
Isang sundalo ang kumpirmadong napatay sa isinagawang operasyong isnayp ng isang tim ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa ilalim ng Norben Gruta Command (NGC) sa isang 81st IBPA/CAFGU detachment na nakahimpil sa Barangay Tible Lupi, Camarines Sur.
Isinagawa ang operasyong isnayp sa layong 200 metro noong Marso 30, 2023 ganap na alas-dyes trenta ng umaga. Ligtas naman na nakapagmaniobra ang tim na nagsagawa ng operasyon.
Ang aksyong pamamarusa ay tugon ng NGC sa kahilingan at hinaing ng mamamayan sa saklaw ng nasabing kampo ng mga berdugong militar.
Matatandaan na noong Pebrero 2021 nang itinayo ang nasabing CAFGU detachment. Sa mahigit dalawang taon na pamamalagi ng mga pasista at berdugong AFP at CAFGU sa lugar ay nagdulot ito ng takot at ligalig sa mga taum- baryo at mga karatig nito dahil sa pag-oobliga at sapilitang pagpapatrabaho sa mamamayan katulad ng pagtabas at pagdadala ng mga pangbakod at kapag hindi sumunod ay pinaghihinalaang sumusuporta sa BHB. Natatakot rin ang mga tao na pumunta sa mga sakahan sa bukid kapag naglulunsad ito ng operasyon dahil kapag nakasumpong ng sibilyan na walang I.D ay isinasailalim sa katakot-takot na interogasyon at psywar. Habang nagiging karaniwan na rin sa mga pasista ang pag-iinom ng alak sa sentro habang may mga dalang baril at maging ang panliligaw sa mga kabataang menor de edad sa baryo.
Nananawagan ang NGC-BHB-West Camarines Sur sa lahat ng mga sundalo, pulis at CAFGU na talikuran at ganap na tumiwalag sa maka-dayuhan, kontra- mamamayan, berdugo at mersenaryong oryentasyon ng AFP-PNP-CAFGU. Kayo ang mukha ng pinatitinding terorismo ng rehimeng US-Marcos-Duterte. Kayo ang pananggalang at sandigan ng rehimeng labis na kinapopootan ng sambayanang inaapi at pinagsasamantalahan.
Nagpapasalamat rin ang NGC-BHB sa mamamayan ng West Camarines Sur sa patuloy na suporta at pakikipagkaisa sa kanilang natatangi at tunay na hukbo.
https://philippinerevolution.nu/statements/operasyong-isnayp-sa-lupi-camarines-sur-matagumpay/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.