Propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Philippine Revolution Web Central (PRWC) Website (Apr 9, 2023): 3 magsasaka sa Batangas, palayain! Papanagutin ang kriminal na 59th IBPA (3 farmers in Batangas, freed! The criminal 59th IBPA will be held accountable)
Patnubay de Guia
Spokesperson
NDF-Southern Tagalog
National Democratic Front of the Philippines
April 09, 2023
Mariing kinukundina ng NDFP-ST ang pagdukot ng 59th IBPA sa tatlong magsasaka noong Marso 26 sa Balayan, Batangas. Paglabag sa internasyunal na makataong batas at maging sa due process ng reaksyunaryong batas ang pagdukot at iligal na pagpiit sa mga biktima nang walang kaukulang nakasampang kaso laban sa kanila. Dapat silang agad na palayain ng mga militar.
Ang mga biktima ay nakilala bilang mga magsasakang kasapi ng samahang Sugarfolks Unity for Genuine Agricultural Reform (SUGAR) na sina Alfredo Manalo at Lloyd Descallar at tubero na si Angelito Balitostos. Huling nakita sina Manalo at Descallar sa labas ng Medical Center-Western Batangas sa Balayan bago dinukot ng mga militar bandang alas-4 ng hapon. Idinamay si Balitostos, residente ng Brgy. Lanatan dahil nasaksihan niya ang pagdukot.
Pasakit ang sinapit ng mga biktima at kanilang kapamilya sa kamay ng militar. Ilang araw silang iligal na idinetine bago inilitaw noong Abril 5. Napilitan ang 59th IBPA na amining hawak nila ang tatlo matapos na ilang ulit na kalampagin ng mga kaanak at grupong nagtatanggol sa karapatang tao ang mga kinauukulan.
Kasuklam-suklam ang pilit na pagtatakip ng 59th IBPA sa kanilang krimen. Nagkakabuhol-buhol ang dila ng 59th IBPA sa pagpapalusot upang bigyang katwiran ang ginawa nilang pagdukot. Naglubid pa ng kwento ang 59th IBPA na diumano’y kusang sumama sa kanila ang tatlong biktima. Sapilitang pinapirma ng mga militar ang mga biktima sa harap ng isang abogado para pagtakpan ang kanilang krimen. Subalit nabisto ang kanilang kasinungalingan dahil nagpa-blotter ang pamilya ng mga biktima sa PNP Balayan tungkol sa nangyari sa kanilang mga kaanak.
Naganap ang atake ng 59th IBPA sa gitna ng umiigting na kampanya ng mga samahang magsasaka laban sa pagsasara ng Central Azucarera de Don Pedro Inc. (CADPI), isa sa pinakamalaking ilohan ng tubo sa Luzon. Bago ang insidente, iniulat ng mga magsasakang nagpoprotesta ang serye ng panghaharas at pang-aatake ng AFP-PNP sa kanilang hanay. Ni-red-tag ng mga ito ang mga samahang magsasaka kabilang ang SUGAR upang gawing target ng panunupil at pandarahas sa bisa ng Anti-Terror Law.
Samantala, makatwiran ang pakikibaka ng mga magtutubo sa Batangas para sa karapatan sa kabuhayan. Sinusuportahan ng NDFP-ST ang laban ng mga magsasaka sa paghahangad ng kompensasyon at suporta ng reaksyunaryong gubyerno nang magsara ang CADPI.
Kailangang patuloy na magbigkis ang mamamayan ng Timog Katagalugan para singilin at papanagutin ang 59th IBPA. Dapat papanagutin ang 59th IBPA sa kanilang krimen at paglabag sa internasyunal na makataong batas at mga karapatang sibil at demokratiko ng mamamayan. Bukod sa pagdukot sa tatlong sibilyan, kabilang din sa duguang rekord ng 59th IBPA ang pagpatay sa 9-taong batang si Kyllene Casao at magsasakang si Maximino Digno na may kapansanan sa pag-iisip sa proseso ng mga operasyong militar nito noong Hulyo 2021.
Pinatunayan ng 59th IBPA at buong AFP-PNP na sila’y mga kriminal at terorista na kinamumuhian ng sambayanan. Sila ang bayarang goons ng naghaharing uri na naghahangad na supilin ang lehitimong paglaban ng bayan. Nararapat na pag-ibayuhin ng mamamayan ang kanilang pakikibaka sa landas ng pambansa-demokratikong rebolusyon at sumalig sa CPP-NPA-NDFP bilang kanilang sandata laban sa teroristang estado.###
https://philippinerevolution.nu/statements/3-magsasaka-sa-batangas-palayain-papanagutin-ang-kriminal-na-59th-ibpa/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.