Tuesday, April 11, 2023

CPP/NPA-ST: Parusahan ang AFP-PNP — mga sagad-saring pasista at may utang na dugo sa bayan! Kundenahin ang kawalang katarungan ng DOJ at reaksyunaryong korte!

Propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Philippine Revolution Web Central (PRWC) Website (Apr 9, 2023): Parusahan ang AFP-PNP — mga sagad-saring pasista at may utang na dugo sa bayan! Kundenahin ang kawalang katarungan ng DOJ at reaksyunaryong korte! (Punish the AFP-PNP — assorted fascists who owe blood to the people! Condemn the injustice of the DOJ and reactionary courts!)





Armando Cienfuego
Spokesperson
Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command)
New People's Army

April 09, 2023

Inaatasan ng Melito Glor Command-NPA Southern Tagalog ang mga yunit ng NPA sa ilalim nito na parusahan ang mga sagadsaring berdugong AFP-PNP sa mga krimen nito sa mamamayan. Napapanahon ito ngayong lansakan ang pagkakait ng hustisya para sa mga biktima ng paglabag sa karapatang tao at kanilang mga kaanak sa pamamagitan ng Department of Justice (DOJ).

Lantaran ang impyunidad ng teroristang estado, pinakahuli ang pag-abswelto ng DOJ sa 17 pulis sa kasong double murder sa pagpaslang sa mag-asawang Ariel at Ana Mariz “Chai” Lemita Evangelista ng Ugnayan ng Mamamayan Laban sa Pagwawasak ng Kalikasan (UMALPAS-KA) sa Batangas. Bahagi ito ng Bloody Sunday massacre noong Marso 7, 2021 na nagresulta sa siyam na kaso ng pamamaslang at iligal na pagdakip ng anim na iba pang aktibista sa rehiyon alinsunod sa police at military operations na COPLAN ASVAL sa Calabarzon. Bago ito, noong Enero, inabswelto rin ng DOJ ang mga pulis na pumaslang kay Emmanuel “Manny” Asuncion ng Bagong Alyansang Makabayan-Cavite.

Matatandaang ganito rin ang ibinigay na espesyal na pagturing sa mga heneral at salarin sa pamamaslang at iba pang paglabag sa karapatang tao kagaya ni Gen. Jovito Palparan na nanalasa sa rehiyon. Sa kabila ng pagkakahatol na “maysala” kay Palparan, isinailalim siya sa kustodiya ng kanyang mga kabaro. Ganito rin ang ginawa ng gubyernong Marcos-Duterte sa mamamatay-taong si Gen. Jesus Dureza na pumaslang sa negosyanteng si Yvonette Chua Plaza, rebolusyonaryong si Menandro “Ka Bok” Villanueva, aktibistang Chad Booc at kanyang mga kasama.

Binaliktad ng reaksyunaryong korte ang ebidensya para iabswelto ang mga mamamatay-taong pulis. Pinalabas na hindi tumugma ang mga baril na ginamit sa pagpatay sa mag-asawang Chai at Ariel habang sa kaso naman ni Manny ay ibinasura ang testimonya ni Liezel, asawa at saksi sa pagkamatay ng biktima. Kung gayon, sino ang pumatay sa mga biktima?

Hindi maloloko ang sambayanan sa pambabaluktot at mga kasinungalingan ng teroristang estado. Pinatunayan ng mga insidente na tagibang ang reaksyunaryong hustisya at wala sa panig ng mamamayan. Pangitang ginagawa ng estado ang lahat ng pamamaraan upang pagtakpan at ipagtanggol ang mga salarin sa mga karumaldumal na krimen ng berdugong AFP-PNP at naghaharing uri. Tahasang ginagamit ng estado ang mga berdugong AFP-PNP na pumatay ng mga sibilyan, lalo yaong sa hanay ng nakikibakang mamamayan.

Nararapat na papanagutin ang mga pulis na sangkot sa Bloody Sunday massacre lalong lalo na ang mga matataas na upisyal militar na mastermind ng pamamaslang. Kabilang dito sina General Felipe Natividad, General Debold Sinas, Gen. Antonio Parlade Jr. at iba pang mga utak ng pamamaslang. Higit sa lahat, si Rodrigo Roa Duterte na isang sagad-saring pasistang nag-utos sa kanyang mga heneral nagawin ang walang pakundangang pamamaslang.

Maaasahan ng mamamayang Pilipino ang NPA, ang mga organo ng demokratikong kapangyarihan ng mamamayan at ang buong rebolusyonaryong kilusan na igagawad nito ang rebolusyonaryong hustisya para sa mga biktima ng paglabag sa karapatang tao. Aabutin ng mahabang kamay ng rebolusyonaryong hustisya ang lahat ng mga sagadsarin, berdugo at may utang na dugo sa bayan.

Maglulunsad ang MGC-NPA ST ng mga taktikal na opensiba upang parusahan ang mga pinakasagad-saring kaaway ng sambayanang Pilipino.###

https://philippinerevolution.nu/statements/parusahan-ang-afp-pnp-mga-sagad-saring-pasista-at-may-utang-na-dugo-sa-bayan-kundenahin-ang-kawalang-katarungan-ng-doj-at-reaksyunaryong-korte/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.