Tuesday, February 14, 2023

CPP/NPA-Camarines Norte: Fake News ang sinasabing labanan sa Camarines Norte

Propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Philippine Revolution Web Central (PRWC) Website (Feb 13, 2023): Fake News ang sinasabing labanan sa Camarines Norte (The alleged battle in Camarines Norte is Fake News)
 


Carlito Cada
Spokesperson
NPA-Camarines Norte (Armando Catapia Command)
Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command)
New People's Army

February 13, 2023

Mariing pinabubulaanan ng NPA sa Camarines Norte ang napaulat na labanan sa bayan ng Labo noong Sabado, Pebrero 11.

Walang naganap o nagaganap na labanan sa naturang lugar katulad ng ipinamamalita ng hepe ng 9th Infantry Division ng Philippine Army na si Major General Adonis Bajao.

Kasinungalingan ang sinasabi nilang enkwentro sa pagitan ng kanilang tropa at lima kataong New People’s Army noong 1:40 ng hapon sa Sityo Sapang Bato ng Barangay Canapawan.

Dinagdagan pa nila ang walang katotohanang kuwento na may isang (1) napaslang na NPA at nakumpiskang baril.

Ang biktima ng pamamaslang ng 9IDPA ay si Argie Salvador, 17 taong gulang, isang katutubong Manide na taga-Tanauan, Capalonga. Kasalukuyan siyang naghahanap ng pulot (honeybee) nang pagbabarilin ng sundalo. Siya ay empleyado ng DOLE-Tupad.

Residenteng sibilyan ang sinasabing napaslang at ang gawa-gawang kuwento ng labanan ay paraan ng 9IDPA para pagtakpan ang anomalya sa kanilang ginawang pagpatay.

Nananawagan ang Armando Catapia Command-NPA kay Kapitan Espiras ng barangay Canapawan at kay Mayor Jojo Francisco ng bayan ng Labo na paimbestigahan ang naturang insidente.

Nananawagan ang Armando Catapia Command sa pamilya ng napaslang, maging sa mamamayan ng Labo na maggiit para sa masusing imbestigasyon sa pangyayari upang makamit ang katarungan at mapanagot ang kriminal at mamamatay-taong 9IDPA.

Tungkulin din ng mga mamamahayag na iberipika ang kanilang iniuulat na balita alang-alang sa pangangalaga sa responsableng pamamahayag.#

https://philippinerevolution.nu/statements/fake-news-ang-sinasabing-labanan-sa-camarines-norte/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.