Tuesday, February 14, 2023

CPP/Ang Bayan Daily News & Analysis: Konsultant ng NDFP, sibilyan, dinukot ng militar noong Pebrero 6

Ang Bayan Daily News & Analysis online propaganda article posted to the Philippine Revolution Web Central site of the Communist Party of the Philippine (Feb 14, 2023): Konsultant ng NDFP, sibilyan, dinukot ng militar noong Pebrero 6 (NDFP consultant, civilian, abducted by the military on February 6)
 





February 12, 2023

Dalawang kaso ng pagdukot o desaparesidos ang naitala noong Pebrero 6. Naiulat na dinukot ng mga pwersa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang konsultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na si Ariel Badiang sa Bukidnon at ang sibilyan na si G. Elyong sa Oriental Mindoro. Parehong hindi pa sila inililitaw hanggang sa kasalukuyan.

Si Badiang, 64, ay dinukot ng mga pwersa ng estado sa Manolo Fortich, Bukidnon. Ang kanyang pamilya ay humingi ng tulong sa publiko sa pagtunton ng kinaroroonan ni Badiang at para makita nila siya at mapuntahan.

Ayon sa grupong Karapatan, “kung nasa kustodiya siya ng AFP, giit namin na kagyat na ilitaw si Badiang, at dapat nilang igalang ang kanyang konstitusyunal na karapatan gayunin ang mga karapatan niya sa ilalim ng internasyunal na makataong batas.”

Sa Oriental Mindoro, dinukot ng mga pwersa ng 203rd Brigade si G. Elyong, residente ng Sitio Sinariri, Brgy. Panaytayan, Mansalay. Papunta siya sa tindahan para bumili ng kape nang siya’y dakpin ng mga sundalo. Kinuha siya ng sampung sundalo sa harap ng mga residente nang walang ipinakikitang kasulatan o paliwanag sa dahilan ng pagdakip.

Sa tala ng Ang Bayan, hindi bababa sa 26 na ang biktima ng iligal na pagdukot ng mga pwersa ng estado sa ilalim ng rehimeng Marcos. Sa mga ito, 13 ang nananatiling nawawala, 9 ang paglao’y inilitaw at 4 ang pinatay.

https://philippinerevolution.nu/angbayan/konsultant-ng-ndfp-sibilyan-dinukot-ng-militar-noong-pebrero-6/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.