Tuesday, February 14, 2023

CPP/Ang Bayan Daily News & Analysis: Protesta kontra EDCA, base militar ng US sa Pilipinas, idinaos sa US

Ang Bayan Daily News & Analysis online propaganda article posted to the Philippine Revolution Web Central site of the Communist Party of the Philippine (Feb 14, 2023): Protesta kontra EDCA, base militar ng US sa Pilipinas, idinaos sa US (Protest against EDCA, US military base in the Philippines, held in the US)
 





February 14, 2023

Nagprotesta ang mga migranteng Pilipino, kaisa ng mamamayang Amerikano sa Times Square, Midtown Manhattan, New York City noong Pebrero 11 para kundenahin ang pagpapalawak militar ng US sa buong mundo at pagbabase ng mga tropang Amerikano sa Pilipinas sa tabing ng tagibang na Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA). Nagtipon ang mga grupo sa lugar kasabay ng isinasagawang rekrutment ng US Armed Forces doon.

Pinangunahan ang pagkilos ng Malaya Movement USA, Bagong Alyansang Makabayan (Bayan)-USA at International Coalition for Human Rights in the Philippines (ICHRP). Ang protesta ay binansagan nilang “Pambansang Araw ng Pagkilos” para kundenahin ang pagpapalawak ng lakas militar at pang-uupat ng gera ng US sa Asia Pacific. Bitbit nila ang isang malaking balatenggang may panawagan na “US troops out of the Philippines!”

Una nang naglabas ng pahayag ang Malaya Movement USA para ipanawagan ang pagtatanggol sa pambansang soberanya ng Pilipinas at pagbabasura sa mga hindi pantay na tratadong militar nito sa gubyerno ng US.

Binatikos nito ang planong pagdadag ng apat na bagong base militar ng US sa Pilipinas sa bisa ng EDCA. “Magiging siyam na ang base militar sa Pilipinas na isinuko ng naghaharing uri sa kontrol ng US,” ayon pa dito.

“Sa nagdaang anim na buwan, kinausap ng MalacaƱang ang maraming upisyal ng US na niyakap ang umaalingasaw na reputasyon ng rehimeng Marcos Jr habang nangangako ng pagtataguyod ng karapatang-tao,” paliwanag nila.

Ayon pa dito, hindi na kagulat-gulat na binibigyan ni Marcos Jr ng dagdag na kontrol ang militar ng US. “Tulad ng kanyang ama, nakikipaglaro siya sa dalawang superpower. At ang lohika niya ay kung paanong makakaganansya mula sa tunggalian ng dalawa. Ngunit ito rin ang naghahatid sa Pilipinas sa isang delikadong pusisyon,” giit nila.

Sa harap nito, anang grupo, ang kinakailangan gawin ng mamamayang Pilipino ay igiit ang nagsasariling patakarang panlabas na mangangalaga sa interes ng sambayanan.

https://philippinerevolution.nu/angbayan/protesta-kontra-edca-base-militar-ng-us-sa-pilipinas-idinaos-sa-us/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.