Patnubay de Guia
Spokesperson
NDF-Southern Tagalog
National Democratic Front of the Philippines
February 13, 2023
Binabati ng NDFP-ST ang mamamayan ng Romblon na tumindig at nagbarikada laban sa pagmimina ng Altai Philippines Mining Corporation (APMC) sa isla ng Sibuyan. Dahil sa kanilang paglaban, naobliga ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na ipahinto ang konstruksyon ng causeway project at iba pang aktibidad ng APMC doon.
Makatwiran ang pagpapatigil ng mga taga-Sibuyan sa operasyon ng APMC dahil banta ito sa kaligtasan at kabuhayan ng mamamayan, pati sa mayamang kalikasan ng isla. Ang Sibuyan ay isang maliit na isla na mayroong lawak na 46,600 ektarya. Mayroon itong higit 62,000 na populasyon kung saan karamihan ay magsasaka at mangingisda. Malaking bahagi ng kanilang kabuhayan ang nakaasa sa mga rekurso sa gubat at ilog. Matatagpuan dito ang mga kakaibang hayop at halaman kung saan tampok ang mga endemiko at nanganganib nang maubos na species kagaya ng Philippine hanging parrot, kulasisi at tube-nosed fruit bat. Makapal ang gubat na may 1,551 puno kada ektarya. May apat ding protected area sa isla: ang Mt. Guiting-Guiting National Park, isang marine protected area, isang bakawanan na swamp forest reserve, at ang lupang ninuno ng minoryang grupong Sibuyan Mangyan Tagabukid.
Mariing nilalabanan ng mga taga-Romblon ang lahat ng nagnanais na sumira sa napakayaman at napakaganda nilang isla. Sa katunayan, higit dalawang dekada nang nakikibaka ang mamamayan dito laban sa mga kumpanya ng mina. Tampok ang pagputok ng kanilang laban noong 2007 nang biglaang pahintulutan ng DENR ang pagputol ng mga puno para bigyang daan ang pagmimina ng Sibuyan Nickel Properties Development Corporation (SNPDC). Ang SNPDC ay consortium ng mga kumpanya sa mina kabilang ang APMC. Sa isang protesta sa San Fernando, Romblon noong Oktubre 2007, nagbuwis ng buhay ang konsehal ng bayan na si Armin Marin nang barilin siya ng security ng SNPDC. Sa kabila nito, pinagtaksilan ng rehimeng US-Gloria Arroyo ang mamamayan ng Romblon sa paggawad ng Mineral Production Sharing Agreement sa APMC noong 2009.
Dahil sa masigasig na pakikibaka ng mamamayan, nabigyan ng cease and desist order ang APMC noong 2011. Muli, nakipagkutsaba ang kumpanya sa reaksyunaryong gubyerno sa ilalim ni Rodrigo Duterte. Matapos patalsikin ang maka-kalikasang kalihim ng DENR na si Gina Lopez, tinanggal ang cease and desist order sa APMC. Ayon sa Mines and Geosciences Bureau (MGB)-MIMAROPA, ang pambansang opisina ng MGB ang nagbigay ng permit sa APMC noong Disyembre 29, 2022 na magmina ng 50,000 WMT ng nickle ore kaugnay ng aprubadong eksplorasyon ng kumpanya.
Ang mabilis na pagbawi ng APMC sa permit nito ay nagpapakita ng pagkampi rito ng gubyerno ni Marcos Jr. Nasa likod ng APMC ang pamilyang Gatchalian na sumuporta sa kandidatura ni Marcos Jr. Nasa senado si Sherwin Gatchalian habang bagong itinalagang DSWD secretary si Rex Gatchalian.
Sa harap ng malakas na paglaban ng mamamayan, walang nagawa ang DENR kundi sundin ang kanilang panawagan. Pati ang APMC ay nasandal sa pader at napilitang magpalabas na boluntaryo nitong pinahihinto ang operasyon.
Dapat panghawakan ng mamamayan ang kanilang tagumpay at ang kasaysayan ng kanilang anti-minang pakikibaka. Kailangang tuluy-tuloy na lumaban hanggang maibasura ang kontrata sa mina ng APMC at matiyak na hindi sasalantahin ng anumang operasyon ng mina ang mga isla ng Romblon. Samantala, dapat hanguan ng aral at inspirasyon ng iba pang mamamayan ng TK at buong bansa ang tagumpay ng mga taga-Sibuyan. Sa gitna ng matinding pagkawasak ng kalikasan na pangmatagalang epekto ng mapaminsalang mina sa bansa, dapat paigtingin ang pakikibaka laban dito.###
https://philippinerevolution.nu/statements/ipagtanggol-ang-isla-ng-sibuyan-romblon-mula-sa-mapanirang-pagmimina/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.