Tuesday, February 14, 2023

Ang Bayan Daily News & Analysis: Na-stroke at nagpapagaling na Pulang mandirigma, dalawa pa, minasaker ng militar

Ang Bayan Daily News & Analysis online propaganda article posted to the Philippine Revolution Web Central site of the Communist Party of the Philippine (Feb 14, 2023): Na-stroke at nagpapagaling na Pulang mandirigma, dalawa pa, minasaker ng militar (Stroke-stricken and recovering Red fighter, two others, massacred by the military)
 





February 12, 2023

Walang-awa at sadyang pinatay ng mga sundalo ng 94th IB ang isang Pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-South Central Negros na nagpapagaling matapos ma-stroke kasama ang isang medik ng BHB na nag-aasikaso sa kanya at isang magsasaka noong Pebrero 5 sa Barangay Oringao, Kabankalan City.

Ayon sa ulat, ilang araw nang nagpapagaling sa isang bahay sa Sityo Mugni sa naturang barangay ang Pulang mandirigmang si Arjen Mahinay (Ka Nonong) matapos ma-stroke. Kasama niya ang upisyal sa medikal na si Junjun Callet (Ka Roben) nang dakpin sila ng mga sundalo noong Pebrero 4 ng alas-4 ng hapon.

Liban sa kanila, dinakip din ng mga berdugo ang magsasakang si Jomarie Calumba sa parehong sityo. Inaasikaso niya ang kanyang kalabaw nang pag-initan siya ng mga sundalo at iligal na dinakip.

Sa sumunod na araw, pinalabas ng 94th IB na napatay ang tatlo sa isang engkwentro sa lugar bandang alas-5 ng hapon. Nagkaroon umano ng 20-minutong bakbakan na nagresulta sa pagkamatay ng tatlo. Pinalilitaw pa ng militar na nakumpiska sa kanila ang isang ripleng M14, dalawang pistola at mga kagamitang militar.

“Lubos na kinukundena ng BHB-South Central Negros ang ginawang ito ng AFP! Kaisa ang buong rebolusyonaryong kilusan sa panawagang hustisya sa mga biktima,” pahayag ni Ka Dionesio Magbuelas, tagapagsalita ng yunit ng BHB.

Aniya, labag sa Internasyunal na Makataong Batas (IHL) ang ginawang pagdakip, pagtortyur at sadyang pagpatay sa dalawang hors de combat na mga Pulang mandirigma, at isang sibilyan.

Hindi na bago ang ganitong paglapastangan ng Armed Forces of the Philippines sa IHL. Simula 2016, mahigit 100 aktibo at retiradong kasapi ng PKP, BHB, mga konsultant at tauhan ng NDFP at kasama nilang mga sibilyan na nadakip, sugatan o wala sa katayuang lumaban, ang labag sa batas na pinatay ng mga armadong pwersa ng GRP.

Hinimok ng BHB-South Central Negros ang lokal na gubyerno, mga taong simbahan at iba pang mga grupo ng tagapagtanggol ng karapatang-tao na tulungan ang pamilya ng mga biktima na makamtan ang hustisya. Ani Magbuelas, dapat igiit ang isang imbestigasyon sa karumal-dumal na krimeng ito ng 94th IB at papanagutin ang mga sangkot.

Ang 94th IB ay pinamumunuan ni Ltc. Van Donald Almonte. Itinalaga si Almonte bilang kumander ng berdugong batalyon noong Marso 2022. Sila ang reponsable sa napakaraming paglabag sa karapatang-tao sa Binalbagan, Himamaylan City at Kabankalan City sa Negros Occidental at sa mga bayan ng Jimalalud, Tayasan, Ayungon, Bindoy at Manjuyod sa Negros Oriental.

https://philippinerevolution.nu/angbayan/na-stroke-at-nagpapagaling-na-pulang-mandirigma-dalawa-pa-minasaker-ng-militar/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.