Sunday, October 31, 2021

CPP/NPA-Cagayan Valley ROC: Hinggil sa diumanong sagupaan sa pagitan ng NPA at AFP sa Tappa, San Mariano, Isabela

Propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Oct 30, 2021): Hinggil sa diumanong sagupaan sa pagitan ng NPA at AFP sa Tappa, San Mariano, Isabela

Guillermo Alcala
Spokesperson
Cagayan Valley Regional Operational Command (Fortunato Camus Command)
New People's Army

October 31, 2021



Hindi padadaig ang 95th Infantry Battalion Philippine Army sa iba pang mga Battalion sa ilalim ng 5th Infantry Division sa paglulubid ng mga kabulaanan upang palabasing “nagwawagi” ang rehimeng Duterte sa gyera sa pakikidigma nito laban sa New People’s Army at buong rebolusyonaryong kilusan ng mamamayan. Ibinalita nito na nagkaroon diumano ng engkwentro sa pagitan ng mga pwersa ng NPA at mga tropa ng 95IB sa Barangay Tappa, San Mariano, Isabela nitong Oktubre 29.

Batay sa panimulang ulat na naipabatid sa Fortunato Camus Command ng NPA, ito’y isa na namang kasinungalingan. Ang katotohanan ay walang presensya ng anumang yunit ng NPA sa naturang lugar sa gayong panahon at imposibleng mangyari ang sinasabing labanan.

Bineberipika pa namin ang detalye ng mga pangyayari, pero kung totoo man na may dalawang pinaslang ng mga tropa ng 95IB, malamang na katulad din sa maraming kaganapan sa nakaraan na ang mga ito ay mga sibilyang magsasaka na nagkakaingin o nangangaso o nangunguha ng kahoy sa lugar. O di kaya naman, maaaring nagkaroon uli ng misengkwentro sa pagitan ng magkaibang yunit militar sa ilalim ng 5ID PA, kagaya ng mga nangyari sa Cabagan at Ilagan City sa Isabela noong Hulyo at Agosto.

Isang bagay lamang ang totoo: ang mga propagandista at psy-war expert ng 5ID PA ay walang pinagkaiba sa mga troll army at tagamanupaktura ng fake news ng rehimeng Duterte upang ibulid sa kadiliman at bahain ng kasinungalingan ang isipan ng mamamayan. Pero hindi nila kaylanman mapagtatakpan ang isa pang katotohanan: bigo ang kampanyang kontra-rebolusyonaryo ng pasistang rehimeng Duterte at dumaraming mamamayan ang mabilis na napupukaw, nagbabalikwas at lumalaban.

https://cpp.ph/statements/hinggil-sa-diumanong-sagupaan-sa-pagitan-ng-npa-at-afp-sa-tappa-san-mariano-isabela/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.