SPOKESPERSON
NPA-SOUTHERN TAGALOG
NEW PEOPLE'S ARMY
APRIL 03, 2020
Hindi sinsero, bulaan at taksil ang AFP-PNP sa patuloy na paglulunsad ng mga atake sa mga yunit ng NPA at mamamayan sa buong bansa. Peke ang deklarasyong tigil-putukan ng GRP at ginagamit lamang na tabing ang krisis sa pampublikong kalusugan na dala ng pandemic na Covid-19 para tuluy-tuloy na atakehin ang rebolusyonaryong armadong pwersa ng mamamayan.
Kahapon, Marso 31, 3:30 ng hapon, pataksil na namang inatake ng mga pasistang tropa ng 59th IB ang isang yunit ng Apolonio Mendoza Command (AMC) – NPA Quezon sa Brgy. Bungahan, Gumaca. Isinagawa ito ng 59th IB habang ang naturang yunit ng AMC ay naglulunsad ng kampanyang edukasyon at gawaing medikal hinggil sa paglaban at pagsansala sa paglaganap ng Covid-19 sa gitna ng paghahanda para sa selebrasyon ng ika-51 anibersaryo ng NPA. Aktibong nagdepensa ang yunit ng AMC na nagresulta sa ilang kaswalti sa tropa ng 59th IB. Nasawi naman si Kasamang Ryan “Ka Raymart” Noriesta, isang Pulang mandirigma na magiting na nakipaglaban para ipagtanggol ang sarili at ang masa sa lugar.
Ito ang ikalawang insidente ng labanan sa rehiyon mula nang magdeklara ang rehimeng Duterte ng unilateral ceasefire noong Marso 19. Sa pahayag ng commanding officer ng 59th Infantry Battalion na si Lt. Col. Edward Canlas, inamin nitong hinanap at inoperasyon nila ang yunit ng NPA na natunugan nila sa lugar. Taliwas rin sa kasinungalingan ni Canlas, hindi nangingikil ng pagkain ang AMC mula sa masa sa lugar. Ang totoo’y kapos sa pagkain ang masa sa erya dahil sa ginagawang food blockade ng AFP at paglilimita sa dami ng binibiling pagkain ng masa sa tabing ng ipinatutupad ng lockdown ng rehimen sa buong Luzon. Lahat ng ito’y bahagi ng focused military operations (FMO) ng AFP sa ilalim ng JCP Kapanatagan.
Tulad ng naunang labanan sa Rizal noong Marso 28, malinaw na nilalabag ng AFP ang sariling deklarasyon ng tigil-putukan para diumano harapin ang pagkalat ng impeksyon ng Covid-19. Ang totoo, nakahanap ng dahilan ang rehimen at AFP/PNP upang itago sa likod ng kampanya sa paglaban sa Covid-19 ang pagpapalawak ng pag-atake nito sa mga rebolusyonaryong pwersa at sa mamamayan. Malinaw na wala sa pangunahing interes ng rehimen ang pagharap ng buong sambayanan sa komon na banta ng Covid-19. Bagkus, nagsisilbi itong tabing upang patuloy na atakihin ang mga yunit ng NPA at mamamayan. Walang saysay ang idineklarang tigil-putukan ng GRP kung tuluy–tuloy ang mga FMO at pag-atake sa mga yunit ng NPA sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon at bansa.
Samantala, ang mga yunit ng NPA sa rehiyon ay mahigpit na tumatalima sa sariling deklarasyon ng tigil-putukan. Nagtitimpi ang mga yunit ng NPA sa gitna ng FMO ng berdugong AFP-PNP at itinuon ang pwersa nito sa pagtugon sa panawagan ng mamamayan na labanan ang Covid-19. Sa kabila ng tuluy-tuloy na atake ng AFP, inilulunsad pa rin ng mga yunit ng NPA ang kampanya nito laban sa Covid-19. Ang paglulunsad ng serbisyong medikal ng mga yunit ng NPA sa mga larangang gerilya ay bahagi ng pagbibigay ng serbisyo sa mamamayan, lalo sa mga lugar na inabandona ng reaksyunaryong gubyerno.
Dagdag na pahirap at pasakit sa mamamayan ang tuluy-tuloy na FMO ng AFP-PNP na dati nang pinahihirapan at ginigipit ng anti-mamamayan at anti-demokratikong lockdown at enhanced community quarantin ng rehimeng Duterte. Sa buong Luzon, nakalatag ang suson-susong mga checkpoint ng AFP-PNP at hinaharang ang mga rekurso at subsidyo na kinakailangan ng mamamayan. Hayok na hayok sa gera ang AFP-PNP habang pinahihirapan ang mamamayan sa gitna ng krisis ng Covid matupad lang ang misyon nitong durugin ang NPA.
Ang tunay na kailangan ng mamamayan, lalo sa kanayunan, ay mga manggagawang pangkalusugan, hindi ang AFP-PNP. Kung may kahit katiting na sinseridad ang GRP sa pagtupad sa tigil-putukan at pakikipagkaisa para sa pagharap sa Covid-19 ay dapat nitong iatras ang mga tropa ng mersenaryong AFP-PNP na nasa kanayunan. Samantala, maaasahan ng mamamayan ang NPA na patuloy na magbibigay ng serbisyong medikal sa bayan upang labanan at sansalain ang sakit na Covid-19.###
https://cpp.ph/statement/afp-pnp-taksil-at-hindi-sinsero-grp-ceasefire-declaration-peke-at-walang-saysay-npa-st/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.