PATNUBAY DE GUIA
NDF-SOUTHERN TAGALOG
NATIONAL DEMOCRATIC FRONT OF THE PHILIPPINES
APRIL 03, 2020
Mariing kinokondena ng National Democratic Front-Southern Tagalog (NDFP-ST) ang patuloy at malaganap na paglabag ng AFP at PNP sa mismong SOMO at SOPO nila alinsunod sa dineklarang “unilateral ceasefire” ng pasistang rehimeng US-Duterte. Ang walang humpay na mga operasyong militar sa rehiyon ng Timog Katagalugan na isinasagawa ng mga batalyon sa ilalim 2nd Infantry Division ng Philippine Army (2nd ID-PA) at ng Southern Luzon Command ng Armed Forces of the Philippines (SOLCOM-AFP) ay testamento na huwad ang idineklarang unilateral ceasefire (ucf) ng rehimeng Duterte.
Habang abala ang lahat, laluna ang mga manggagawa at tagapangalaga ng kalusugan (healthcare workers) sa paglaban at pagsugpo sa nakamamatay na Covid-19, at habang ang taumbayan ay binabalot ng pangamba dahil sa kakulangan at kawalan ng atensyong medikal mula sa gubyerno, kakulangan sa pang-araw araw na pagkain at natatanggap na subsidyo at sa labis na nararanasang hirap sa pag-angkop sa ipinatutupad na kamay-na-bakal na lockdown sa buong Luzon ng rehimeng Duterte, iba naman ang pinagkakaabalahan ng 2nd ID at Solcom—ang mga pinagkakawartahan nito tulad ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP)
Kabulaanan ang sinasabi ng AFP na “community service” laban sa Covid-19 ang ginagawa ng RCSP operations sa mga baryo. Ang katotohanan, ipinatutupad ng RCSP ang kontra-insurhensyang layunin ng EO-70, TF ELCAC at JCP Kapanatagan. Walang binago ang AFP at PNP sa oryentasyon ng RCSP at patuloy itong ipinatutupad alinsunod sa istratehiyang whole of nation approach to end local communist armed conflict.
Simula noong Marso 19, 2020, ang unang araw ng epektibidad ng unilateral ceasefire ng gubyernong Duterte, nagpatuloy at walang patlang ang mga operasyong militar sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon. Patuloy ang isinasagawang harassment at red-tagging ng 85th at 59th IBPA sa mga mamamayan ng Catanauan, Lopez, Macalelon, Unisan, Atimonan, Padre Burgos at Agdangan sa South Quezon-Bondoc Peninsula. Pwersahang pinaaamin ang mga magsasaka na sila’y mga myembro ng NPA at tinatakot na tanggapin ang alok ng gubyerno na E-CLIP. Sa ibang kaso, may nakahanda nang listahan ng mga pangalan ang 85th at 59th IB na inaalok ng E-CLIP.
Ganito din ang ginagawa ng PNP at mga tropang militar sa ilalim ng 202nd Brigade, 2nd ID sa mga residente ng General Nakar ng Quezon at sa Kalayaan at Cavinti ng Laguna kung saan walang kahihiyang hinakot, tinipon at ipinarada sila sa Camp Vicente Lim sa Canlubang, Laguna para iprisenta sa media na mga diumano’y nagsisukong mga rebelde at dating rebelde at ngayo’y pumailalim sa E-CLIP.
Samantala, sa mga isla ng Mindoro at Palawan naman ay patuloy pa ring nagaganap ang mga focused military operations at RSCP sa kabila ng ipinatutupad nilang unilateral ceasefire.
Dapat mariing kondenahin at labanan ng mamamayan ang patuloy na isinasagawang Retooled Community Support Program ng AFP at PNP na kinakaratulahan at tinatabingan bilang “community service” laban sa Covid-19 ngunit sa saligan ay nasa balangkas ng “kontra–insurehensyang” programa ng JCP-Kapanatagan at nagsisilbing malaking gatasan ng mga tiwaling opisyal at sundalo.
Mariin ding kinokondena ng NDFP-ST ang paglabag ng mga tropa ng 202nd Brigade sa umiiral nilang SOMO sa ginawa nitong pag-atake sa isang yunit ng NPA sa Barangay Puray, Rodriguez, Rizal habang naghahanda ang yunit sa pagdiriwang ng ika-51 anibersaryo ng NPA. Malisyoso at punong-puno ng kasinungalingan ang pahayag ng 2nd ID na diumano, NPA ang umatake sa kanila. Katunayan, ang mga sundalo ng AFP ang dumayo sa lugar sa balangkas ng kanilang focused military operation (FMO) na hindi naglulubay kahit sa panahon ng UCF ng GRP. Malayo sa sentro ng baryo ng Puray at interyor ang pinangyarihan ng labanan. Dinepensahan lang ng yunit ng NPA ang kanilang sarili mula sa aktwal na pag-atake ng AFP. Kung sadyang seryoso ang AFP sa kanilang ipinatutupad na UCF at SOMO, walang dahilang pumasok sila sa kalibliban ng kabundukan sa mga oras na iyon. Dapat tumalima ang AFP sa sarili nitong deklarasyon ng ceasefire at manatili sila sa kanilang mga kampo at detatsment sa mga sentrong bayan. Ang NPA sa rehiyon ay seryosong tumatalima sa atas ng CPP na magpatupad ng unilateral ceasefire para maituon ng rebolusyonaryong kilusan ang lahat ng mga pagsisikap nito sa paglaban at pagsugpo sa pagkalat ng Covid-19. Ganunpaman, lagi itong handang ipagtanggol ang sarili at mamamayan at biguin ang anumang patraydor na pag-atake ng AFP at PNP.
Sa pangyayaring labanan sa Barangay Puray, Rodriguez Rizal noong Marso 28, 2020, minsan pang pinatunayan ang kahungkagan ng deklarasyong unilateral ceasefire ng rehimeng US-Duterte sapagkat ito’y peke at bahagi lamang ng pampulitikang gimik ng rehimen para ibangon at pabanguhin ang naghihingalo at nabubulok nitong imahen sa mata ng sambayanang Pilipino. ###
https://cpp.ph/statement/on-afps-massive-violations-of-their-ucf-ndf-st/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.