NPA-Palawan propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines Website (Jul 25): Naganap na Labanan sa Baranggay Malihud Bataraza Palawan
Salvador Luminoso, Spokesperson
NPA-Palawan (Bienvenido Vallever Command)
25 July 2017
Binigo ng Mt. Mantalingahan Command ang planong pagtugis militar sa isang yunit ng BHB na nagsasagawa ng gawaing masa sa isang sityong sakop ng Baryo Malihud Bataraza Palawan. Naganap ang unang pag-atake ng militar noong ika- 21 ng Hulyo 2017 habang inaayos ng mga kasama ang problemang idinulog ng masa. Nasa proseso pa ng talakayan, biglang binugsuan ng putok ng mga sundalo ang bahay ng walang pagsasaalang-alang sa mga sibilyan at pinasabugan pa ito ng mga m203 granade launcher.
Ayon sa naitalang ulat ng MMC, naengkwentro ng isang iskwad na yunit nila ang humigit kumulang sa isang platung pwersa ng di pa matukoy na yunit ng Phil. Army(sa ulat ng mga alyado at masa ay SF daw) na umabot sa halos ay 3 minutong palitan ng putok hanggang magpanakbuhan ang mga sundalo pabalik.
Walang anumang kaswalti sa panig ng BHB samantalang sa panig ng AFP ay hindi rin matiyak ang bilang ng kaswalti dahil walang ibinaba ngunit dalawang beses na may hinakot ang helikopter sa lugar na malapit sa pinaglabanan upang maitago sa masa ang tunay na nangyari.
Sa galit ng mga sundalo, kinabukasan petsa 24 ng umaga ay binomba ng mortar ang mga bahay ng katutubo na malapit sa pinaglabanan. Wala pang dagdag na update ang MMC sa resulta ng pambobombang ito. Subalit hanggang sa kasalukuyan ay nagpapatuloy parin ang combat operation sa lugar na halos ay nasa 100 tropa na ng AFP/PNP ang gumagalugad kaya’t sa takot ng mga katutubo ay iniwan ang kanilang mga bahay upang makaiwas sa galit-na galit na mga sundalo.
Sa naganap nagmistulang inutil ang combat operation ng pinagsanib na Marines, Army,PNPPSC laban sa maliit na yunit ng BHB na kumikilos sa lugar at patuloy silang aani ng kabiguan sa laging nasa panig ng BHB ang masa.
Mabuhay ang Palaweño at Sambayanang Pilipino!
Mabuhay ang CPP/NPA/NDFP
Mabuhay ang Rebolusyon!
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.