NPA propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines Website (Jul 24): Interbyu kay Ka Oris hinggil sa SONA
Ka Oris, Spokesperson
New People’s Army
24 July 2017
(Use a browser that supports the audio element.)
1. Ka Oris, muling haharap si GRP President Duterte sa kongreso para sa taunang state-of-the-nation address. Ano po ang pagtingin ng NPA kaugnay nito?
Noong isang taon, sumasakay si Duterte sa malawak na sentimyento ng bayang sawang-sawa na sa bulok na sistema sa Pilipinas. Pero ngayon, bingi na siya sa mga hinaing ng bayan; sa mga kalapastanganan, siya mismo ang pasimuno.
Garapalan ang paggamit nito ng kamay-na-bakal. Siya na mismo ang nagsabi na idolo niya si Marcos kaya’t ginaya at lalampasan pa ito kagaya ng: tahasang pamamatay ng mga drug user at pusher paggamit ng extra judicial killings o EJK sa war on drugs sa pagdeklara ng all-out war laban sa NPA at mamamayan sa buong bansa at martial law sa Mindanao; sa paghaharing militar sa kanayunan; sa pagsupil at labis na panggigipit sa mamamayan; sa binabaluktot na mga batas para atakehin, takutin, ikulong at busalan ang oposisyong pulitikal; at sa pagbabanta sa masmidya, sa simbahan, sa korte suprema at iba pang mga hakbangin. Di nagtagal, naladlad na siya’y sunud-sunuran pala sa mga patakaran ng imperyalismong US, laluna sa mga patakarang panseguridad ng US.
Klarong-klaro na mas pabor siya sa interes ng malalaking burges at mga bulok na burukratang kapitalista. Ang mga ambisyong diktador ni Duterte ay isang malalim na kumunoy na lalamon sa kanyang rehimen, at magwawakas na kinasusuklaman ng bayan. Ang mga ginagawa niya ay lalong maghihiwalay sa kanya sa mamamayan at magtutulak sa kanila na magsagawa ng armado at di armadong paglaban sa kanyang paghahari.
(Use a browser that supports the audio element.)
3. Ano ang masasabi ninyo sa patutunguhan ng ekonomya at kalagayang panlipunan?
Walang pagkakaiba ang ipinatutupad na patakaran sa ekonomya ng rehimeng Duterte sa nagdaang rehimeng Aquino at mga nakaraang rehimen. Dinugtungan lang ang mga dati nang maka-dayuhang patakarang neoliberal.
Ang sinusunod niyang patakarang pang-ekonomiya – itong neoliberal na globalisasyon – ay napatunayan na sa buong mundo na siyang dahilan ng paghihirap ng dalawa sa bawat tatlong tao sa buong mundo. Ang infrastructure spending niya, na sinasalamin ng islogan na Build! Build! Build!, ay para sa negosyo ng mayayaman; ang tax reform niya ay para lalong lumaki ang tubo ng mga negosyante at imbestor at lalong pipiga sa kokonting kita ng manggagawa, magsasaka, at ordinaryong empleyado. At habang nagmumura laban sa mga dambuhalang mina, pinabayaang matanggal si Gina Lopez upang patuloy na mananalasa sa kalikasan ang Nickel Asia ni Zamora, Villar, Pangilinan, at Sumitomo ng Hapon at iba pa.
Bingi at bulag siya sa hinihinging pagbabaklas ng mga kinamkam na mga asyenda ng Hacienda Luisita, Hacienda Looc, Hacienda Roxas, Hacienda Dolores, Hacienda Araneta, Lapanday, DMCI at marami pang iba. Tapos ang reporma sa lupa na isinagawa namin sa kanayunan na pinakikinabangan ng milyon-milyong magsasaka ay wawasakin ng AFP at ibabalik sa mga mangangamkam na panginoong maylupa, katulad ng nangyari sa Lapanday, sa HLI, at sa Hacienda Zulueta.
Magpapatuloy ang laganap na disempleyo dahil sa kawalan ng pambansang industriyalisasyon. Patuloy ang paghahabol na akitin ang dayuhang pamumuhunan sa pamamagitan ng pagpapababa sa sahod ng mga manggagawa sa iba’t ibang paraan.Napakababa na nga ng minimum, hindi pa ito pinapatupad.
Dahil sa kawalan ng tunay na reporma sa lupa at industriyalisasyong rural, lalong lalala ang kahirapan at kagutuman. Mananatili ang atrasadong sistema ng produksyong agrikultural. Sa ilalim ng mga patakarang neoliberal, lalong hinihikayat ang pagpapalawak ng mga asyenda at plantasyon para sa produksyon ng mga tanim na pang-eksport. Samantala, tuluy-tuloy ang liberalisasyon sa importasyon ng bigas at iba pang produktong pang-agrikultura sa kapinsalaan ng lokal na produksyon.
Patuloy na kinakaltasan ang badyet sa edukasyon, kalusugan at iba pang serbisyong panlipunan. Sa kabilang panig, babawasan ang buwis ng mayayaman at ipapataw ang karagdagang mga buwis na magiging dagdag na pasanin sa mahihirap na Pilipino. Ito ay upang tiyakin na may pambayad sa inaasahang mabilis na paglaki ng dayong utang ng Pilipinas.
Malakas ang anti-mina na bukambibig ni Duterte, pero patuloy naman ang pananalasa ng dambuhalang korporasyon sa pagmimina sa kapaligiran. Ang large-scale mining ay large-scale na permanenteng pagkasira, isang pandarambong na hindi napapanginabangan ng bansa.
https://www.philippinerevolution.info/statements/20170724-interbyu-kay-ka-oris-hinggil-sa-sona
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.