New People's Army-Bicol propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines Website (Jul 20): Pahayag ng PNP Ragay hinggil sa narekober na labi ng isang NPA sa Camarines Sur, Kasinungalingan
Maria Roja Banua, Spokesperson
NDFP Bicol Region (Region V)
20 July 2017
Press Release
Walang katotohanan ang pahayag ni Chief Inspector Rommel Tino, tumatayong hepe ng Ragay Police, na may nakuhang labi ng isang kasapi ng New People’s Army Camarines Sur sa Barangay Salvacion, Ragay, kahapon ng alas-9 ng gabi. Aniya, napaslang umano ang isang myembro ng NPA-Camarines Sur sa enkwentrong naganap bandang alas-5 ng hapon kahapon.
Sa totoo, walang kasapi ng NPA ang nasugatan o nasawi sa naturang insidente. Ayon sa panimulang ulat ng NPA-Camarines Sur, maaaring ang sinasabing katawang narekober ay isa sa mga sundalong nag-operasyon sa lugar o sibilyang pinagbalingan ng walang habas at patuloy na pagpapaputok ng militar kahit wala nang NPA sa lugar. Sa simula pa lamang ng labanan, pinagpasyahan na ng kumand ng yunit na umatras pansamantala upang maprotektahan ang mga residente ng barangay.
Mariing kinukundena ng NDF-Bikol ang militar at kapulisan sa paghahasik ng takot sa mamamayan at panggugulo sa mga komunidad sa buong rehiyon. Ilang ulit nang nalantad sa publiko ang mga gawa-gawang kwentong ipinapalaganap ng kanilang mga upisyales at tagapagsalita. Ilang ulit na silang napahiya sa madla dahil sa hindi magkakatugmang pahayag tulad ng gawa-gawang bilang ng sugatan umano sa panig ng mga kasama sa labanang naganap sa Del Gallego nitong Abril at mga kwentong hinugot sa hangin tulad ng paulit-ulit na pahayag na may sumukong mga kasapi ng pulang hukbo at pekeng balita ng mga labanan.
Paulit-ulit na sinasalaula ng kapulisan at kasundaluhan ang katotohanan habang patuloy na pinagtatakpan ang kanilang pang-aatake sa sibilyan. Nitong nakaraang linggo lamang, lumabas sa balita at kaagad na pinagtakpan ang pambubugbog ng 10 sundalo sa ilalim ng 83rd IBPA sa tatlong sibilyan sa Del Gallego, Camarines Sur. Walang ni katiting na katarungang maasahan ang mamamayan para sa mga krimen ng mersenaryong hukbo ng estado. Ibinaon na sa limot ng 9th IDPA ang kaso ng panggagahasa at pagpatay ng mga kasapi ng CAFGU sa ilalim ng 22nd Cadres’ Battalion kay Laesybil Almonacid, estudyante ng Bicol University at residente ng Albay.
Sa tumitinding opensiba sa propaganda ng kapulisan at kasundaluhan, nananawagan ang NDF-Bikol sa masang Bikolnon na mas maging mapagmatyag. Dapat na suriing mabuti ng taumbayan ang mga krimeng pinagtatakpan ng kasundaluhan sa pamamagitan ng kanilang mga pekeng balita. Dapat pag-aralan ng mamamayan ang katotohanan sa likod ng pamamaluktot at panloloko ng military at ng mga kasabwat nito sa kapulisan at gubyerno.
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.