Friday, July 21, 2017

CPP/Ang Bayan: Mga opensiba, umarangkada sa buong kapuluan

From the Tagalog language edition of Ang Bayan (July 21): Mga opensiba, umarangkada sa buong kapuluan

Mula Northern Luzon hang-gang Western Mindanao, sunud-sunod na naglunsad ang mga yunit ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) ng mga taktikal na opensiba laban sa mga pwersa ng estado. Tugon ito sa pana-wagan ng Partido Komunista ng Pilipinas na paigtingin ang paglaban ng mamamayan sa all-out war at batas militar ng rehimeng Duterte.

Bukidnon. Hinaras noong Hulyo 4 ng mga myembro ng BHB-North Central Mindanao Region (NCMR) ang 24 tropa ng 8th IB sa Sityo Kalakapan, Barangay Kanangaan, Cabanglasan, Bukidnon. Isa ang patay habang dalawa ang sugatan sa tropa ng militar.

Sa sumunod na araw, Hulyo 5, binigo naman ng mga Pulang mandirigma ang yunit ng 8th IB at Special Forces sa ilalim ng 403rd IBde nang atakehin nito ang kampo ng BHB sa bahagi ng Sityo Miaray, Barangay Manggaod ng parehong bayan.. Tatlo ang patay sa hanay ng AFP matapos silang masabugan ng command-detonated explosive.

Tinambangan naman ng mga kasapi ng Front 6, BHB-NCMR ang mga elemento ng 8th IB sa Barangay Dao, San Fernando, noong Hulyo 13.

Nasawi sa ambus sina Josh at Reynalo Licawan, habang sugatan naman si Pvt. Benjamin “Nonong” Salusad, lahat mga myem-bro ng grupong paramilitar.

Noong Hulyo 14, isa pang platun ng 8th IB na naglulunsad ng Civil Military Operations ang hinaras ng isang yunit ng Front 6 sa Barangay Mahayag, Quezon, Bukidnon. Dalawa ang patay sa militar, habang isa ang nasawi sa BHB.

North Cotabato. Sa ulat ng BHB-SMR Regional Operations Command, hinarang sa tsekpoynt na itinayo ng 1st Pulang Bagani Company (PBC) sa Barangay Katipunan, Arakan sa kahabaan ng Davao-Cotabato-Bukidnon haywey ang isang van na walang marka at madilim ang salamin noong Hulyo 19.

Ang tsekpoynt ay bahagi ng mga aksyong militar na isinagawa ng naturang yunit bilang tugon sa kampanya ng PKP na labanan ang batas militar sa Mindanao.

Nagpakilala ang drayber ng sasakyan na sundalo raw ng AFP. Nang mapansin na hindi AFP ang nakabantay sa tsekpoynt, umamba siyang bubunot ng baril at dali-daling pinarangkada ang sasakyan. Dahil rito, napilitan ang mga Pulang mandirigma na paputukan ang sasakyan upang paralisahin ito.

Sa puntong ito, ang ikalawang sasakyan sa kanilang convoy ay dumating at pinaputukan ang yunit ng BHB. Nakalusot ito sa tsekpoynt subalit napahinto rin ng isa pang platun ng mga Pulang hukbo bago makalayo. Sa puntong ito, napag-alaman ng yunit ng BHB na mga elemento ng Presidential Security Group ang lulan ng dalawang van.

Matapos matanggap ang mando, nilisan ng BHB ang erya. Bago nito, inaresto ng BHB ang isang ahente ng CIDG-Bukidnon na si Rogelio Magno. Kasalukuyan siyang hawak ng Pulang hukbo para sa imbestigasyon.

Compostela Valley. Noong Hulyo 11, naaresto rin sa isinagawang tsekpoynt ng BHB-Comval-Davao East Coast Subregional Operations Command si PO1 Alfredo Sillada Basabica, Jr. sa Km. 26, Barangay Panansalan, Compostela Valley. Si PO1 Pasabeca ay kasalukuyang iniimbestigahan para sa posibleng krimen laban sa mamamayan at rebolusyonaryong kilusan. Nakadestino si Pasabeca sa Cateel Municipal Police Substation sa Brgy. Aliwagwag, Compostela Valley. Ang yunit nito ay ginagamit ng lokal na reaksyunaryong gubyerno sa kanilang kontra-magsasaka at kontra-Lumad na mga proyekto. Iniimbestigahan rin ito sa paglipana ng iligal na bentahan ng droga sa Cateel, tortyur ng limang magsasaka na iligal na inaresto noong Marso at Mayo, at paniniktik sa mga sibilyan. Dalawang pulis ang hawak ngayon ng mga Pulang mandirigma.

Samantala, nireyd ng 1st PBC ang bahay ng isang negosyante at kilalang elemento ng militar sa paniniktik sa Riverside, Talomo, Calinan District, Davao City noong Hulyo 7. Nakuha mula rito ang isang karbin.

Zamboanga. Noong Hulyo 16, inambus ng BHB-Zamboanga Peninsula Regional Operations Command ang yunit ng 44th IB sa Purok Biwa, Barangay Titik 1, Leon Postigo, Zamboanga del Norte. Tumagal ang labanan ng mahigit isa at kalahating oras hanggang sa dumating ang mga tropang nagreimpors nito sa Barangay Bukana at Titik 2. Isa ang patay habang pito ang sugatan sa hanay ng militar. Lima naman ang sugatan na Pulang mandirigma. Isang sibilyan ang napaslang sa palitan ng putok.

Sa araw ding iyon, tinambangan ng isa pang platun ng BHB ang may tropa ng 42nd IB na lulan ng trak na KM450 na sasaklolo sana sa yunit ng AFP na inambus noong umaga. Sampu ang patay habang tatlo ang sugatan sa AFP. Isa naman ang sugatan sa BHB. Namatay sa labanan si Ka Masaw, isang mandirigma.

Surigao del Sur. Nireyd ng isang yunit ng BHB-Northeastearn Mindanao Region ang bahay ni Cortes Vice Mayor Emmanuel Suarez sa Barangay Mabahid noong Hulyo 18. Apat na armas ang nakuha mula sa kanya. Pinaalalahanan ng BHB si Suarez na kailangan niyang itigil ang laganap na iligal na pagtotroso at pangingisda sa bayan ng Cortes.

Samar. Hinaras ng mga Pulang mandirigma ng BHB-Samar noong Hunyo 7, alas-7:30 ng umaga ang dalawang kolum ng 14th IB sa Barangay Salvacion, Canavid, Eastern Samar. Tatlong sundalo ang namatay.

Negros. Pinarusahan ng Roselyn Pelle Command ng BHB-Negros, ang lider ng RPA-ABB na si Charlie Boliboli sa Salvador Benedicto, Negros Occidental.

Suspek si Boliboli sa serye ng krimen sa mamamayan tulad ng pagpaslang, pang-aagaw ng lupa at pandarahas sa mga magsasaka sa Barangay Bago, Salvador Benedicto.

Ayon kay Ka Cecil Estrella, tagapagsalita ng Roselyn Pelle Command, aktibo itong nagpapakana ng mga kontra-rebolusyonaryong aktibidad at nagsisilbing giya sa mga operasyong militar.
Camarines Sur. Mahigit 30 minutong engkwentro ang naganap sa pagitan ng BHB-Camarines Sur (Norben Gruta Command) at mga elemento ng 9th ID sa Barangay Salvacion, Ragay, Camarines Sur noong Hulyo 19. Isa ang napatay sa hanay ng AFP.

Hulyo 18 pa lamang ay sinusubaybayan na ang pagpasok ng tatlong pormasyon ng AFP sa mga barangay ng Baya, Napolidan at Cawayan. Kinabukasan pumasok na ang isang yunit ng Alpha Coy ng 9th IB sa Barangay Salvacion mula sa Barangay Baya.

Kalinga. Isa ang patay habang lima ang sugatan sa tropa ng 50th IB matapos makasagupa ang yunit ng BHB-Kalinga (Lejo Cawilan Command) noong Hulyo 4 sa Batong Buhay, Barangay Balatoc, Pasil.

Ayon sa BHB-Kalinga, mula Hunyo pa aktibong nag-ooperasyon ang tropa ng militar sa mga baryo ng Balatoc at Colayo. Nagdulot sila ng matinding takot at perwisyo sa mga sibilyan. Nagkakampo sila sa mga kabahayan, barangay hall at eskwelahan sa Barangay Colayo. Pwersahan rin silang nangrerekrut ng mga CAFGU sa Barangay Balatoc.

Samantala, noong Hulyo 14, pinasabugan ng command-detonated explosive ng BHB-Cagayan ang isang patrol car ng PNP sa Barangay Diduyon, Maddela, Cagayan. Sugatan sa pagsabog ang limang pulis at isang sibilyan.

Palawan. Hulyo 18, pinasabugan ng isang yunit ng Bienvenido Vallever Command ng BHB-South Palawan ang isang M35 truck ng 4th Marine Battalion Landing Team sa Barangay Tarusan, Bataraza, Palawan. Isa ang sugatan sa 4th MBLT. Samantala, pinarusahan naman ng NPA-North Palawan ang dalawang abusadong Marines sa Barangay Magara, Roxas, Palawan.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

https://www.philippinerevolution.info/ang_bayan/20170721-mga-opensiba-umarangkada-sa-buong-kapuluan/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.