From the Tagalog language edition of Ang Bayan (July 21): Tindeg Ranao, tumutol sa batas militar ni Duterte
Mahigit 100 biktimang sapilitang pinalikas ng pambobomba ng AFP sa Marawi at deklarasyon ng batas militar sa Mindanao ang nagtipon sa Iligan City noong Hulyo 18 upang buuin ang Tindeg Ranao laban sa pambobomba, pag-alis ng batas militar, igiit ang hustisya sa mga biktima ng batas militar at komprehensibong rehabilitasyon sa Marawi City.
Mayorya sa dumalo ay nagmula sa iba’t ibang sentro ng ebakwasyon sa Iligan City, Lanao del Norte at Lanao del Sur, na nasaklaw ng inilunsad na National Interfaith Humanitarian Mission na pinangunahan ng Kalinaw Mindanao noong Hunyo.
Nakiisa rin sa aktibidad si Jerome Succor Aba, tagapangulo ng Suara Bangsamoro, at si Ms. Aida Ibrahim ng Kalinaw Mindanao-Northern Mindanao Region. Tinalakay dito ang kalagayan nila sa ilalim ng administrasyong Duterte at ang kalagayan ng mga bakwit sa mga komunidad ng Lanao. Mayorya sa mga biktima ang nagpahayag ng kahilingan na agad na makabalik sa kanilang mga tahanan. Dagdag pa rito, hiling nila na magkaroon ng malalim na imbestigasyon sa naganap na atake sa Marawi na nagdulot ng pagkawasak ng syudad, malawakang kagutuman at krisis.
Mahigit 410,000 indibidwal na ang apektado ng panggegera ni Duterte sa Marawi. Bilang resulta, daan-daan ang namatay, habang ilan ang sugatan dulot ng pambobomba.
Binuo rin noong Hulyo 19 ang Dansalan Tano Sa Kalilintad, al-yansa ng mga ulama, propesyunal at iba pang sektor sa Marawi. Isa sa mga unang aktibidad ng alyansa ang paglulunsad ng serye ng konsultasyon sa mga bakwit. Mag-kakaroon din ng talakayan sa pagi-tan ng AFP, mga lokal na upisyal at ARMM. Naglano ang alyansa ng “Peace March to Marawi” sa araw ng SONA ni Duterte sa Hulyo 24.
[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]
https://www.philippinerevolution.info/ang_bayan/20170721-tindeg-ranao-tumutol-sa-batas-militar-ni-duterte/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.