Sunday, April 23, 2017

CPP/Ang Bayan: Mahigit 50 armas, nasamsam ng BHB

Propaganda article from the Tagalog edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines Website (Apr 21): Mahigit 50 armas, nasamsam ng BHB

MAHIGIT LIMAMPUNG BARIL, daan-daang mga bala at iba pang gamit-militar ang nasamsam ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) mula Abril 9 hanggang 14.

Sa North Cotabato, mahigit 32 armas ang nasamsam ng mga Pulang mandirigma sa ilalim ng Regional Operations Command (ROC) ng BHB-Southern Mindanao Region sa ginawang reyd sa bahay ni Michael Lingaro sa Brgy. Mahongcog, Magpet, noong Abril 9, alas-9 ng umaga. Tumatayong lider ng isang grupong paramilitar ang kapitan ng barangay na si Lingaro. Ginagamit ang grupo ni Lingaro sa mga operasyong kombat ng 39th IB sa lugar. Ilang oras matapos ito, sinalakay ng ROC-SMR ang mga pwersa ng 39th IB na nagsagawa ng operasyong pagtugis sa Brgy. Temporan, katabi ng Mahongcog. Tumagal nang dalawang oras ang labanan. Sa Palawan, nasamsam ang 18 armas sa isinagawang reyd ng Bienvenido Valleber Command sa Brgy. Barong-barong, Brooke’s Point noong Abril 14, alas-8 ng gabi, sa akusadong drug lord na si Gilbert S. Baaco. Sa San Fernando, Bukidnon, isa ang sugatan at isa ang patay sa hanay ng 60th IB sa isinagawang aksyong militar ng magkasanib na pwersa ng regular na hukbo at milisyang bayan noong Abril 10. Dalawang operasyong harasment at isa pang operasyong isparo ang isinagawa sa Brgy. Bunaco at Brgy. Nabunturan sa parehong bayan. Sa Cateel, Davao Oriental, naglunsad ng operasyong harasment noong Abril 11, alas-8 ng umaga laban sa 67th IB. Sa Baganga noong Abril 13, pinasabugan ng isang tim mula sa Front 15 ang tropa ng 67th IB. Sa Davao City, pinaputukan ng Pulang hukbo ng Front 55 ang mga sundalo ng 60th IB sa Brgy. Mangani Tapak, Paquibato. Sa Surigao Del Sur, naglunsad ng opensibang harasment ang BHB-NEMR laban sa 72nd IB/CAA noong Abril 10, alas-2:35 ng hapon sa Brgy. Pagbacatan, Lingig.
[Ang Bayan is the official newspaper of the Communist Party of the Philippines. Ang Bayan is published in Pilipino, Bisaya, Hiligaynon, Waray and English. Download Ang Bayan from the Philippine Revolution Web Central at www.philippinerevolution.info.  Ang Bayan is published fortnightly by the Central Committee of the Communist Party of the Philippines.]

https://www.philippinerevolution.info/ang_bayan/2017april21-mahigit-50-armas-nasamsam-ng-bhb/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.