Sunday, April 23, 2017

CPP.Ang Bayan: Ka Zola, 48

Propaganda article from the Tagalog edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines Website (Apr 21): Ka Zola, 48

BINIGYANG-PUGAY ng BHB-Ifugao (Nona Del Rosario Command) si Leonardo “Ka Zola” Manahan na namatay noong Abril 14 sa edad na 48 taon. Namatay siya dulot ng malubhang sakit habang naglilingkod bilang namumunong kadre ng Partido at Bagong Hukbong Bayan sa Ifugao.

Unang kumilos si Ka Zola sa hanay ng sektor ng kabataan bilang mahusay na lider masa at propagandista sa loob ng League of Filipino Students noong huling bahagi ng dekada 1990. Kinalaunan, gumampan siya bilang kalihim ng seksyon sa Polytechnic University of the Philippines (PUP) at naging kagawad ng Pambansang Kawanihan ng Kabataan-Estudyante ng PKP. Dito siya nakilala ng mga kasama at masang estudyante bilang “Tolayts” at “Dario.” Tuluy-tuloy ang naging pagkilos ni Ka Zola sa sonang gerilya mula noong 2003. Mula sa North Ilocos Sur-South Ilocos Norte-Western Abra, nailipat siya sa Western Mountain Province bilang Kalihim ng Komite ng Larangang Gerilya. Mula 2010-2016, naging kagawad siya ng sub-rehiyong kinapapalooban ng Western Mountain Province bilang upisyal sa pulitika ng sentro de grabidad ng subrehiyon. Naging kagawad siya ng komiteng rehiyon mula 2013, at itinalagang Kalihim ng Ifugao nitong huling bahagi ng 2016. Ginunita ng BHB-Ifugao ang mahusay na aktitud ni Ka Zola na inspirasyon ng hukbo at mga rebolusyonaryo sa rehiyon. Inalala rin ng BHB-Ifugao ang kanyang mahigpit na pagkapit sa rebolusyon, nang agad bumalik sa kanayunan matapos lumaya mula sa pagkakabilanggo noong 2005. Ang kanyang mga labi ay dinala sa PUP chapel noong Abril 20, hatid ng mga rebolusyonaryong pwersang tangan ang mga bandila ng PKP. Maging dito ay pinagpugayan siya ng mga estudyante ng PUP, mga kaibigan at dating kasamahan.
[Ang Bayan is the official newspaper of the Communist Party of the Philippines. Ang Bayan is published in Pilipino, Bisaya, Hiligaynon, Waray and English. Download Ang Bayan from the Philippine Revolution Web Central at www.philippinerevolution.info.  Ang Bayan is published fortnightly by the Central Committee of the Communist Party of the Philippines.]

https://www.philippinerevolution.info/ang_bayan/2017april21-ka-zola-48/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.