Sunday, April 23, 2017

CPP/Ang Bayan: Dalawang bihag ng digma, pinalaya

Propaganda article from the Tagalog edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines Website (Apr 21): Dalawang bihag ng digma, pinalaya

PINALAYA NG BHB-Far South Mindanao Region noong Abril 19 ang dalawang bihag-ng-digma (prisoner-of-war o POW) na sina Sgt. Solaiman Calocop at PFC Samuel Garay sa Brgy. Colon Sabak, Matanao, Davao del Sur. Kapwa sila elemento ng 39th IB nang dakpin ng mga Pulang mandirigma sa Columbio, Sultan Kudarat noong Pebrero 2.

Ang programa sa pagpapalaya ay itinaguyod ng isang kumpanya ng mga Pulang mandirigma. Kasunod nito’y ipinasa ang dalawa sa organisasyong Sowing the Seeds of Peace na nagkoordina sa paglaya ng mga sundalo. Ipinailalim sa tsek-ap ng mga tauhang-medikal ang mga POW upang tiyaking maayos ang kanilan kalusugan. Kabilang sa mga nagkoordina sa kanilang paglaya at dumalo sa programa ay sina Columbio Vice Mayor Edwin Bermudez, Board Member Romulo Solivio ng South Cotabato, at dating kongresman Marc Douglas Cagas. Naroon din ang mga pamilya ng dalawang sundalo. Pinasalamatan ng mga sundalo ang BHB sa makataong pagtrato sa kanila ng BHB. Ayon kay Garay, wala silang naranasang anumang pananakit, kahit sa salita. Sa programa, ipinaliwanag ni Ka Macario Dilaab, tagapagsalita ng Mt. Alip Command, na ang pagpapalaya sa mga POW ay dahil sa makataong batayan at bilang pagsuporta sa usapang pangkapayapaan sa pagitan ng NDFP at GRP. Nauna rito, noong Abril 12, ipinahayag ni Ka Oris, tagapagsalita ng BHB, na noon pang Kwaresma nakatakdang palayain sina Calocop at Garay. Hindi lamang ito natuloy dahil sa pagtanggi ng AFP na isuspinde ang mga opensibang operasyon nito para sa ligtas na pagpapalaya sa mga POW, gayundin ng kanilang mga pamilya at ng third party facilitator.

[Ang Bayan is the official newspaper of the Communist Party of the Philippines. Ang Bayan is published in Pilipino, Bisaya, Hiligaynon, Waray and English. Download Ang Bayan from the Philippine Revolution Web Central at www.philippinerevolution.info.  Ang Bayan is published fortnightly by the Central Committee of the Communist Party of the Philippines.]

https://www.philippinerevolution.info/ang_bayan/2017april21-dalawang-bihag-ng-digma-pinalaya/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.