Tuesday, December 15, 2015

CPP/NDF: Opensibang Atake ng Project Development Team Operation (PDTO) ng Philippine Army Laban sa Jose Rapsing Kumand (JRC-NPA) sa Isla ng Masbate, Nahubaran ng Maskarang para sa Kaunlaran sa Araw ng Komemorasyon ng Deklarasyon ng Karapatang Pantao

NDF propaganda statement posted to the CPP Website (Dec 10): Opensibang Atake ng Project Development Team Operation (PDTO) ng Philippine Army Laban sa Jose Rapsing Kumand (JRC-NPA) sa Isla ng Masbate, Nahubaran ng Maskarang para sa Kaunlaran sa Araw ng Komemorasyon ng Deklarasyon ng Karapatang Pantao
Logo.ndfp
NDFP National Democratic Front of the Philippines
 
Disyembre 10, 2015 alas 12:00 ng tanghali, sa araw mismo ng muling paggunita ng mamamayang Pilipino sa ika-67 Pandaigdigang Araw ng Deklarasyon ng Karapatang Pantao, inatake ng tropa ng 9th Infantry Batallion Philippine Army ang tropa ng Jose Rapsing Kumand-Bagong Hukbong Bayan na nagpapahinga sa sityo Palopino, brgy Bartolabac bayan ng San Jacinto sa isla ng Ticao sa Masbate.

Tinatayang isang platun ng tropa ng kaaway ang umatake sa harapan bahagi laban sa isang platung tropa ng mga Pulang Mandirigma ng Jose Rapsing Command (JRC) ng Bagong Hukbong Bayan. Naobligang bombahin ng mga kasama ang paatakeng tropa ng kaaway ayon sa depensang plano ng kasama sa pagbabase. Nagresulta ito sa pagkalagas ng walong (8) tropa mula sa hanay ng kaaway. Sa layunin ng mga pulang mandirigma na ilayo ang sayt ng labanan dahil sa presensya ng mga masa sa lugar nagmaniobra ito papalayo subalit may isang platun pa ang tropa ng kaaway ang umaatake sa mga kasama. Tinamaan at namatay si Ka Cyrus, isang pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan ng Jose Rapsing Command habang dalawang bata naman ang nasugatan dahil sa tama ng sharpnel mula sa bala ng M203 mula sa kaaway.

Ipinapakita lamang sa nasabing labanan, walang sinusunod na protocol sa paglulunsad ng digma ang panig ng 9th Infantry Batallion Philippine Army. Walang pagsasaalang-alang sa masa sa pagsasagawa ng atake at itinuturing na lamang na “colateral damage” ang sinumang sibilyang madadamay para lang ipursige ang kanilang atake laban sa Bagong Hukbong Bayan. Hinubaran nito ang sarili bilang pasistang mersenaryong hukbo ng naghaharing uri sa araw mismo ng Disyembre 10 na Pandaigdigang Araw ng Pagkilala sa Karapatang Pantao. Hinubaran nito ang sarili sa harap ng masa na hindi pangkaunlarang layunin ang hatid ng PDTO kundi supilin ang mamamayan laban sa patuloy na pandarambong sa likas na yaman ng dayuhang Filmenra Resources Corporation at lokal na negosyo ng burgesya komprador na DMCI na humahakot ng reserbang ginto sa isla.

Samantala sa bayan ng Claveria noong Nobyembre 29, 2015 alas 12:30 ng tanghali hinaras ng mga kasama ang pinagsanib na 9th IBPA at RPSB sa Brgy Mabiton sa bayan Claveria sa isla ng Burias sa Masbate. Nagresulta ito sa dalawang (2) patay at isang (1) sugatan na bandang huli ay namatay sa hospital sa panig ng kaaway. Sa loob lamang ng limang (5) minuto tinapos ang labanan matapos mawalan ng kapasidad na lumaban ang natitirang tropa ng kaaway dahil sa sorpresang atake ng mga kasama. Mabilis na nagmaniobra ang mga pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan na taglay ang mataas na kapasyahan durugin ang PDT ng kaaway sa isla.

Labanan at Parusahan ang Mandarambong sa Likas Yaman sa Isla ng Masbate!

 Pagpupugay kay Ka Cyrus, Isang Martir sa Labanan!

 Mabuhay ang Rebolusyon!

Maria Roja Banua
Tagapagsalita
National Democratic Front-Bicol

http://www.philippinerevolution.net/statements/20151210_opensibang-atake-ng-project-development-team-operation-pdto-ng-philippine-army-laban-sa-jose-rapsing-kumand-jrc-npa-sa-isla-ng-masbate-nahubaran-ng-maskarang-para-sa-kaunlaran-sa-araw-ng-komemorasyon-ng-deklarasyon-ng-karapatang-pantao

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.