SAMUEL GUERRERO
NPA-SORSOGON
CELSO MINGUEZ COMMAND
NEW PEOPLE'S ARMY
AUGUST 06, 2019
Hindi kukulangin sa sampung bagong sanay na tauhan ng PNP Special Action Force (SAF) ang napatay nang makasagupa ng isang yunit ng NPA sa Barangay Tulatula Sur, Magallanes, Sorsogon nitong Hulyo 30. Ito ang kahiya-hiyang naging katapusan ng test mission ng mga bagong SAF commando na isang buwang gumalugad sa kabundukan ng Magallanes, Irosin at Bulan.
Mag-aalas-3:00 ng hapon nang walang kamalay-malay na makabuslo ang mga sundalo sa pusisyon ng mga Pulang mandirigma na nagpapahinga noon sa isang gulod. Sinalubong ng putok ng mga nakaalertong gerilya ang mga kalaban at pinasabugan ng command-detonated explosives. Hindi na halos nakapanlaban ang mga elemento ng SAF hanggang makaatras ang mga gerilya mula sa pinaglabanan.
Mga sibilyan naman ang pinagbalingan ng tropa ng SAF bago nila lisanin ang erya kinabukasan. Apat na bahay at isang koprahan na malapit sa pinangyarihan ang sinunog ng mga bagong sanay na pasista. Pinagtataga pa nila ang dalawang tubong daluyan ng suplay ng tubig ng Barangay Cadandanan, Bulan.
Nalantad sa pangyayaring ito kung ano nga ba ang itinuturo sa treyning ng SAF at iba pang armadong pwersa ng reaksyunaryong gubyerno–higit sa anupaman, nagpapakadalubhasa sila sa pamemerwisyo sa mamamayan.
Masaya marahil ang SAF sa iniwan nilang perwisyo. Pero hindi mapasusubalian na umuwing talunan ang mga duwag.
https://cpp.ph/statement/kahihiyan-ang-inani-ng-saf-sa-kanilang-test-mission-sa-sorsogon/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.