Saturday, August 10, 2019

CPP/Ang Bayan: Aktibistang magsasaka, binaril

Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Aug 7, 2019): Aktibistang magsasaka, binaril

Bi­na­ril ng mga pwer­sang pan­se­gu­ri­dad ng re­hi­meng Du­ter­te ang mag-asa­wang ka­sa­pi ng or­ga­ni­sa­syon ng mga mag­sa­sak­a sa loob ng ka­ni­lang tin­da­han sa Sit­yo Ka­si­la­an, Barangay Ha­la­pi­tan, San Fer­nan­do, Bu­kid­non noong Agos­to 2. Agad na na­ma­tay si Guil­ler­mo Ca­sas ha­bang na­su­ga­tan ang kan­yang asa­wa na si Jocelyn.

Ika-sampung bik­ti­ma na ng ekstra­hu­di­syal na pa­ma­mas­lang si Guil­ler­mo sa Bu­kid­non nga­yong taon.

Sa pa­re­hong araw, bi­na­ril at pi­na­tay din si Ernes­to Estrel­la sa Anti­pas, North Co­ta­ba­to. Si Estrel­la ay da­ting pas­tor ng Uni­ted Church of Christ in the Phi­lip­pi­nes.

Noon na­mang Hul­yo 25, na­pa­tay si Mis­ba Mas­la, 60, nang bom­ba­hin ng mga erop­la­nong pan­dig­ma ng AFP ang Sit­yo Bu­ti­lin, Ka­ba­la­san, Pi­kit sa North Co­ta­ba­to. Pi­na­la­bas ng 6th IB, sa pa­ma­ma­gi­tan ng ku­man­der ng AFP-Joint Task Force Central na si Maj. Gen. Dios­da­do Car­re­on, na may sumabog na bom­ba sa loob ng ba­hay ng mga Mas­la kung ka­ya na­ma­tay ang bik­ti­ma. Mis­mong ang AFP, sa pa­ma­ma­gi­tan ng ku­man­der ng 603rd IBde na si Brig. Gen. Alfre­do Ro­sa­rio, ang uma­ming ti­na­ma­an ang ba­hay ng mga Mas­la nang mam­bom­ba ang AFP sa lu­gar ban­dang alas-3 ng ma­da­ling araw. Da­hi­lan ng AFP, ti­nu­tu­gis u­ma­no ni­la ang isang gru­po ng Bang­sa­mo­ro Isla­mic Free­dom Fighters (BIFF) na ayon sa ulat ng ka­ni­lang ope­ra­syong pa­nik­tik ay na­sa lu­gar.

Inaa­ku­sa­han ng AFP ang asa­wa ni Mis­ba na si Ali Mas­la, 62, na myembro ng BIFF. Su­ga­tan si Ali at ang kan­yang apong si Edwin Mas­la sa pam­bo­bom­ba. Pi­na­si­nu­nga­li­ngan ng BIFF na may pre­sen­sya si­la sa lu­gar sa pa­na­hong iyon. Ki­nun­de­na ni Abu Misri Ma­ma, ta­ga­pag­sa­li­ta ng gru­po, ang pa­ma­mas­lang. Ani­ya, ma­la­king ka­si­nu­nga­li­ngan ang si­na­sa­bi ng AFP na pi­nup­ro­tek­ta­han ni­la ang mga si­bil­yan ga­yong si­la mis­mo ang nam­bom­ba sa ba­hay ng ma­ta­tan­da.

Noong Agos­to 6, bi­na­ril na­man si Bran­don Lee, myembro ng Ifu­gao Pea­sant Move­ment (IPM), sa La­ga­we, Ifu­gao. Nag­su­su­lat din si­ya pa­ra sa Northern Dis­patch. Hang­gang sa ka­sa­lu­ku­yan, hin­di pa si­ya nag­ka­ka­ma­lay. Akti­bong ni­la­la­ba­nan ng IPM ang pag­ta­ta­yo ng dam­bu­ha­lang dam sa Chico River na sa­sa­ga­sa sa ka­ni­lang lu­pang ni­nu­no.

Pang­gi­gi­pit sa mga ak­ti­bis­ta at mag­sa­sa­ka

Tu­luy-tu­loy pa rin ang ma­la­wa­kang in­ti­mi­da­syon ng re­hi­men sa mga ak­ti­bis­ta at mag­sa­sa­ka. Sa Quezon, bi­nu­la­bog ng isang yu­nit ng 2nd IB ang Ba­ra­ngay 1, Luce­na City noong Hul­yo 30. Nag­lun­sad ng ope­ra­syong pa­nik­tik ang mga sun­da­lo sa ta­bing ng pag­sasar­bey pa­ra sa prog­ra­mang 4Ps at pag­ha­ha­nap ng mauu­pa­hang ba­hay.

Da­la­wang be­ses na­man na nag­pa­ta­wag ng pu­long ang tro­pa ng 95th IB sa Barangay Sta. Isa­bel Sur, Isa­be­la noong Agos­to 3 kung saan ina­ku­sa­han ni­lang ta­ga­su­por­ta ng BHB ang mga myembro ng Da­ga­mi, lo­kal na or­ga­ni­sa­syong mag­sa­sa­ka. Ku­sang nag­sia­li­san ang mga re­si­den­te sa unang pag­pu­pu­long at igi­ni­it ang ka­ni­lang de­mok­ra­ti­kong ka­ra­pa­tan. Ki­nontra rin ni­la ang pag­pa­pa­su­ren­der sa ka­ni­la bi­lang mga Pu­lang man­di­rig­ma ka­pa­lit ng pe­ra.

Sa Ce­bu, ti­nang­kang ta­ku­tin ng pu­lis ang mga ka­sa­pi ng lo­kal na ba­la­ngay ng Ka­ba­ta­an Partylist noong Hul­yo 27. Sa Bu­kid­non, ti­nang­ka ring ta­ku­tin at “i­pa­su­ren­der” ng 1st Special Forces Bat­ta­li­on si Kris­tin Lim, da­ting na­ma­ma­ha­la sa Rad­yo Lu­mad, sa Du­mi­lag, Ma­no­lo For­tich noong Agos­to 3.

Sa­man­ta­la, da­la­wang ka­sa­pi ng KASAMA-TK ang ina­res­to ng 76th IB noong Hul­yo 27 sa Sab­la­yan-Sta. Cruz, Occi­den­tal Min­do­ro. Kinilala ang mga biktima na sina Nadeline Fabon at Reynaldo Malaborbor na noo’y tumutulong sa mga magsasaka sa lugar na labis na naapektuhan ng tagtuyot.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippinesand is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

https://cpp.ph/2019/08/07/aktibistang-magsasaka-binaril/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.