Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Aug 7, 2019): Burukrata-kapitalistang pandarambong ng mga Villar
Ang mag-asawang Manny at Cynthia Villar, kilala bilang lokal na dinastiya ng Las Pinas, kongresista at kasalukuyang senador ng reaksyunaryong gubyerno, ang may-ari ng Vista Land & Lifescapes na notoryus sa pang-aagaw at pagpapalit-gamit ng libu-libong ektaryang mga sakahan tungong mga subdibisyon (Camella Homes, Lumina Homes) at malalaking mall (Starmalls at Vista Malls).
Noong 2008, naimbwelto si Cynthia Villar sa pangangamkam ng lupa ng mga magsasaka sa Norzagaray, Bulacan. Nasangkot naman si Manny Villar sa pandarambong noong 2010 matapos niyang ipanukala na baguhin ang ruta ng C-5 Extension Project pabor sa lokasyon ng kanyang mga negosyo. Nalantad din na nagtirik sina Villar ng mga subdisyon sa mga sakahang may irigasyon sa Pavia, Iloilo City noong 2010 at sa Plaridel Bulacan noong 2014.
Kilala ang pamilyang Villar bilang tagasuporta ni Duterte. Magkaalyado rin ang partido pulitikal ni Villar na Nacionalista at ang PDP-Laban ni Duterte.
Sa ilalim ni Duterte, lumobo ang yaman ni Manny Villar mula US$1.5 bilyon (o P75.4 bilyon) noong Marso 2017 tungong US$5.5 bilyon (o Php288.3 bilyon) nitong Marso 2019. Mula ika-12, siya na ngayon ang pinakamayamang indibidwal sa buong bansa. Samantala, si Cynthia Villar ay nakapagtala ng P3.7 bilyon at tinaguriang pinakamayamang Senador, habang ang kanilang anak na si Mark Villar, kalihim ng Department of Public Work and Highways, ay nakapagtala naman ng P1.4 bilyon at tinaguriang pinakamayamang upisyal sa gabinete ni Duterte.
Kapansin-pansin ang pakinabang ng pamilyang Villar sa programang pangimprastruktura ng rehimen. Ang kanilang kumpanya ang pinakahuling nagpasa ng aplikasyon para sa pagtatayo ng pasugalan bago ibaba ni Duterte ang moratoryum sa pagtanggap ng aplikasyon para sa pagtatayo ng mga ito noong Enero 2018. Bukod sa itinatayong resort at pasugalan sa 1,000 ektaryang lupain sa Dasmariñas, Cavite, naiulat din na plano nilang magtayo ng parehong imprastruktura sa Las Piñas.
[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippinesand is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]
https://cpp.ph/2019/08/07/burukrata-kapitalistang-pandarambong-ng-mga-villar/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.