Saturday, August 10, 2019

CPP/Ang Bayan: Lt. Gen. Noel Cle­ment, ber­du­gong ani­no ni Pal­pa­ran

Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Aug 7, 2019): Lt. Gen. Noel Cle­ment, ber­du­gong ani­no ni Pal­pa­ran

Karugtong ang ka­ma­kai­lang ma­ra­mi­hang pag­pa­tay sa Neg­ros ng malagim na Oplan Sau­ron na nag­ha­sik ng te­ror sa is­la mu­la pa Di­sye­mbre 2018. Mu­la nang ipa­tu­pad ito, ma­hi­git 40 si­bil­yan na ang bik­ti­ma ng ekstrahudisyal na pamamaslang. Ma­li­ban sa mga pinatay, puu-puo ring mga si­bil­yan ang ili­gal na ina­res­to at si­nam­pa­han ng ga­wa-ga­wang mga ka­so.

Ang pag­pa­pa­tu­pad ng Oplan Sau­ron ay pi­na­ngu­ngu­na­han ng Armed Forces of the Phi­lip­pi­nes Central Com­mand (AFP Centcom) sa ila­lim ni Lt. Gen. Noel Cle­ment. No­tor­yus si Cle­ment bi­lang isa sa mga na­ka­ba­ba­bang upi­syal na si­na­nay noon ni Jovi­to Pal­pa­ran sa pag­sa­ga­wa ng mga kri­men ng Oplan Ban­tay La­ya 1 at 2. Saanman noon naghahasik ng lagim si Pal­pa­ran, na­ka­bun­tot sa kan­ya si Cle­ment bi­lang ma­ta­pat na ala­gad. Tulad ng kanyang idolo, bu­kam­bi­big ni Clement ang pag­ba­ban­sag na ko­mu­nis­ta sa mga tu­mu­tu­lig­sa sa reak­syu­nar­yong gub­yer­no. Matapat niyang ipi­na­­tu­pad ang mga utos ng pa­ma­mas­lang at iba pang pag­la­bag sa ka­ra­pa­tang-tao.

Na­ka­pai­la­lim si Cle­ment sa 204th Bri­ga­de nang du­ku­tin at pa­ta­yin ng naturang yunit-militar ang mga ta­ga­pag­ta­gu­yod ng ka­ra­pa­tang-tao na si­na Eden Marcel­la­na at Eddie Gu­ma­noy noong 2003 sa Min­do­ro Ori­en­tal. Pi­nu­no noon ng na­tu­rang bri­ga­da si Pal­pa­ran.

Nang mai­li­pat si Pal­pa­ran sa 7th ID sa Central Luzon noong 2005, mag­ka­sa­ma si­la ni Cle­ment sa pag­ha­ha­sik ng ka­ra­ha­san sa re­hi­yon. Noong 2006, sa loob la­mang ng Ene­ro hang­gang Peb­re­ro, 25 ka­tao ang bik­ti­ma ng pag­pa­tay, pag­du­kot, pag­tortyur, pam­bu­bug­bog, pa­na­na­kot, ma­sa­ker, in­te­ro­ga­syon at ili­gal na detensyon. Namuno na noon si Cle­ment sa 56th IB, ang nangungunang abusadong yunit-militar sa rehiyon. Isa rin si­ya sa mga nagpla­no at nag­pa­tu­pad sa pag­du­kot sa ak­ti­bis­tang si Jo­nas Bur­gos noong 2007.

Ma­la­wa­kang pin­sa­la naman ang ibi­nu­nga ng mga ope­ra­syong pi­na­mu­nu­an ni Cle­ment sa Mindanao. Bi­lang ku­man­der ng 602nd Bri­ga­de noong 2015 hang­gang 2016, na­ki­la­la si Cle­ment ng mga re­si­den­teng Mo­ro sa North Co­ta­ba­to sa kan­yang pa­nga­ngan­yon sa mga ko­mu­ni­dad.

Ilang araw la­mang ma­ta­pos idek­la­ra ni Du­ter­te ang ba­tas mi­li­tar sa Min­da­nao noong Ma­yo 2017, iti­na­la­ga ng AFP si Cle­ment bi­lang pi­nu­no ng 10th ID. Sak­law ng ope­ra­syon ni­to ang buong re­hi­yon ng Davao, at ang mga hang­ga­nan ni­to sa mga pru­bin­sya ng Su­ri­gao del Sur, Agu­san del Sur at Bu­kid­non. Na­na­la­sa si Cle­ment at ang kan­yang mga tau­han sa lugar. Sa loob la­mang ng 19 bu­wan, umaa­bot sa 50 si­bil­yan ang pi­na­tay ng mga tau­han ni Cle­ment, ka­bi­lang ang da­la­wang ba­ta. Li­bu-li­bo rin ang sa­pi­li­tang lu­mi­kas da­hil sa mga pam­bo­bom­ba at pang­ga­ga­lu­gad ng mga sun­da­lo sa mga ko­mu­ni­dad.

Isa sa ka­ru­mal-du­mal na mga kri­men ni Cle­ment bi­lang ku­man­der ng 10th ID ang pag­ma­sa­ker sa pi­tong Lu­mad noong Di­sye­mbre 3, 2017 sa La­ke Se­bu, South Co­ta­ba­to. Da­la­wang iba pa ang su­ga­tan sa na­tu­rang in­si­den­te. Pa­tung-pa­tong na ka­so ang isi­nam­pa la­ban kay Cle­ment, at ki­na Lt. Col. Ha­rold Ca­bu­noc ng 33rd IB at Lt. Col. Benja­min Lean­der ng 27th IB. Mga tau­han din ni Cle­ment ang du­mu­kot, nag­tortyur at nagtangkang sumilab sa dalawang kabataang minero noong Nobyembre 2017 sa Compostela Valley.

Pa­mu­mu­no sa CENTCOM

Ina­lis si Cle­ment sa 10th ID at ini­li­pat sa Centcom noong Nob­yembre 2018. Sak­law ng ope­ra­syon ng Centcom ang buong Vi­sa­yas. Na­sa ila­lim ni­to ang da­la­wang di­bi­syon ng Army (8th ID sa Eas­tern Vi­sa­yas at 3rd ID sa Central at Wes­tern Vi­sa­yas), ang 2nd Tactical Ope­ra­ti­ons Wing ng Air Force, at ang buong pwer­sang na­bal sa Vi­sa­yas.

Wa­la pang isang bu­wan ma­ta­pos ili­pat sa Centcom, agad ni­yang ipi­na­tu­pad ang Oplan Sau­ron sa Neg­ros alin­su­nod sa Me­mo­ran­dum Order No. 32 ni Rod­ri­go Du­ter­te. Na­ka­tu­tok nga­yon sa is­la ang to­do-ge­ra ng Centcom kung saan may li­mang ba­tal­yong pangkombat ang na­ka­pa­kat, ma­li­ban pa sa mga pwer­sa ng PNP.

Ma­li­ban sa pa­na­na­la­sa sa Central Vi­sa­yas, pag­pas­lang at pa­mi­min­sa­la rin sa mga ko­mu­ni­dad sa Eas­tern Vi­sa­yas ang man­do ni Cle­ment. Sa is­la ng Sa­mar, tu­min­di ang mga pag­pa­tay sa mga si­bil­yan mu­la Mar­so 2019. Sa bu­ngad ng taon, 545 ba­ra­ngay ang naiu­lat na mi­li­ta­ri­sa­do, kung saan 250 sa mga ito ang oku­pa­do ng mga sun­da­lo. Ma­hi­git 300 pa­mil­ya na ang na­pa­la­yas sa ka­ni­lang mga ta­ha­nan da­hil sa pag­sa­kop ng mga sun­da­lo ng 8th ID sa ka­ni­lang mga ko­mu­ni­dad.

Sa­man­ta­la, tu­mam­pok ang say­war ng Centcom sa Wes­tern Vi­sa­yas. Noong Mar­so, su­nud-su­nod na nag­pa­ka­lat ng mga ba­li­ta ng pe­keng engkwentro ang 61st IB sa Pa­nay upang pag­tak­pan ang mga ka­so ng ili­gal na pag-a­res­to sa mga mag­sa­sa­ka at ka­tu­tu­bong Tu­man­duk. Li­ban di­to, nag­pa­la­bas din ng pe­keng pagsurender ng isang menor de edad na umano’y Pulang man­di­rigma.

Ipi­nai­la­lim din ni Cle­ment ang mga pwer­sa ng Centcom upang ma­ging tau-tau­han ng mi­li­tar ng US. Sa gi­na­nap na Pacific Partnership noong Mar­so, di­na­la ng US sa Vi­sa­yas ang mga pa­pet at kaal­ya­dong huk­bo ni­to upang sa­na­yin sa ila­lim ng ku­mand ng mi­li­tar ng US ang mga pwer­sang mi­li­tar ng mga ban­sa sa Indo-Pacific.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippinesand is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

https://cpp.ph/2019/08/07/lt-gen-noel-clement-berdugong-anino-ni-palparan/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.