Saturday, August 10, 2019

CPP/Ang Bayan: Mga pa­nu­ka­lang batas pa­ra sa mga mag­sa­sa­ka

Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Aug 7, 2019): Mga pa­nu­ka­lang batas pa­ra sa mga mag­sa­sa­ka

Walang awat na iti­nu­tu­lak ng re­hi­meng Du­ter­te ang pag­bu­bu­kas ng sek­tor ng ag­ri­kul­tu­ra, ka­bi­lang ang mga lu­pang ag­ri­kul­tu­ral, sa da­yu­hang pag­ma­may-a­ri at pan­da­ram­bong. Sa ka­bi­la ni­to, pa­tu­loy na isi­nu­su­long ng mga prog­re­si­bong ki­na­ta­wan sa kong­re­so ang mga re­por­mang pa­ki­ki­na­ba­ngan ng mga mag­sa­sa­ka.

Ang mga re­por­mang ito ay ka­rug­tong ng mga pa­ki­ki­ba­ka na ma­ta­gal nang isi­nu­su­long ng mga or­ga­ni­sa­syong mag­sa­sa­ka. Laman din ang mga ito ng Comprehensive Agreement on Social and Economic Reforms o CASER na nabuo noong 2016 sa negosasyong pangkapa­yapaan sa pagitan ng Gubyerno ng Pilipinas at National Democratic Front of the Philippines.

La­long na­gi­ging ma­ha­la­ga ang mga repormang agraryo sa ha­rap ng la­ha­tang-pa­nig na mga ata­ke sa ka­ni­lang sek­tor—mu­la sa to­do-to­dong li­be­ra­li­sa­syon ng bi­gas hang­gang sa wa­lang awat na pa­ma­mas­lang sa mga mag­sa­sa­kang nakikibaka pa­ra sa ka­ni­lang ka­ra­pa­tan sa lu­pa.

Mu­ling isi­nu­mi­te ng ng mga progresibong partido sa ilalim ng Ma­ka­ba­yan ang Genuine Agrarian Reform Bill (GARB) sa Mababang Kapulungan. Ang GARB ay isang panukalang nag­la­la­tag ng komprehensibong ba­langkas para sa tunay na reporma sa lupa. La­yu­nin nito na bu­wa­gin ang mo­no­pol­yo sa lu­pa at magpa­tu­pad ng lib­re, pa­tas, at ma­ka­ta­ru­ngang pa­ma­ma­ha­gi ng lu­pa sa loob ng li­mang taon. Sa­sa­k­la­win ni­to ang la­hat ng pri­ba­dong lu­pang ag­ri­kul­tu­ral, la­hat ng lu­pang pi­na­ta­tak­bo ng mga plan­ta­syong agri­bisnes, mga lu­pang bi­nu­bung­kal ng mga mag­sa­sa­ka na ki­nu­ha ng gub­yer­no, mga pa­ngi­no­ong may­lu­pa o mga da­yu­hang insti­tu­syon at iba pang mga lu­pang ag­ri­kul­tu­ral na pub­li­ko.

Iti­nu­tu­lak din ni­to ang pag­bi­bi­gay ng kompre­hen­si­bong su­por­ta sa mga mag­sa­sa­ka at pag­bi­bi­gay ng sa­pat na sub­sid­yo. Hi­hi­ka­ya­tin ang mga mag­sa­sa­ka na bu­muo o pu­ma­lo­ob sa mga koo­pe­ra­ti­ba pa­ra paun­la­rin ang pro­duk­syo­n. Ga­yun­din, bu­buo ito ng me­ka­nis­mo pa­ra hin­di mu­ling ma­wa­la ang lu­pa ng mga be­ni­pi­sya­rong mag­sa­sa­ka.

Sa nga­yon, la­bis na pi­na­hi­hi­ra­pan ang mga mag­sa­sa­kang nag­gi­gi­it sa ka­ni­lang ka­ra­pa­tan sa lu­pa, ka­bi­lang yaong na­big­yan na ng mga Cer­tifica­te of Land Ownership. Ma­ra­mi sa ka­ni­la ang hin­di na­ka­pag­ba­yad ng ma­hal na amor­ti­sa­syon ka­ya ma­da­ling nababawi ang kanilang mga lupa. Kaug­nay ni­to,ipinapanukala rin na iabswelto ang mga magsasaka mula sa ka­ni­lang obligasyon na magbayad ng u­tang na amortisasyon nang sa gayon ay maigawad na sa kanila ang lu­pang kanilang binubungkal.

Inihapag din ng Ma­ka­ba­yan ang pa­nu­ka­lang Rice Industry Deve­lop­ment. Nakasaad dito na ipagbabawal ang paniningil ng upa sa lupa kung lalampas ang halaga sa 10% abereyds na netong ani ng magsasaka sa kada ektaryang sinasaka sa nakalipas na tatlong taon.

Sa­man­ta­la, nag­su­mi­te rin ang ibang ki­na­ta­wan ng mga panukalang magbibigay ng se­gu­ro sa mga be­ne­pi­sya­ryo ng hu­wad na Compre­hen­sive Agra­ri­an Reform Prog­ram at mag­pa­pa­ta­yo ng mga pro­yek­to tulad ng mga ko­mu­nal na iri­ga­syon na pa­ba­ba­ya­ran ang ka­la­ha­ti ng ha­la­ga sa mga mag­sa­sa­kang be­ni­pi­sya­ryo sa isang tak­dang pa­na­hon.

Iti­nu­lak din di­to ang pag­ta­ta­yo ng mga bo­de­ga at mga gi­li­ngan ng pa­lay sa ba­wat mu­ni­sip­yo at lungsod na nag­pop­rod­yus ng bi­gas. Su­su­por­ta­han din ni­to ang la­hat ng pa­nga­ngai­la­ngan sa transpor­ta­syo­n. Pa­ba­ba­ya­ran ito sa isang tak­dang ha­la­ga sa loob ng 25 taon.

Sa Se­na­do, mu­ling isi­nu­mi­te ni Sen. Ralph Recto ang ilang pa­nu­ka­la ng pag­pup­wes­to ng sis­te­ma ng “tim­ba­ngan ng ba­yan” sa mga sentrong pa­mi­li­han pa­ra mai­wa­san ang pag­ma­ma­ni­pu­la sa tim­bang ng mga pro­duk­to. Iti­nu­tu­lak ni­ya rin ang pag­ta­ta­yo ng mga kal­sa­dang mag­du­dug­tong sa mga sa­ka­han at pa­leng­ke hin­di la­mang sa mga pi­ling lu­gar kun­di pan­tay-pan­tay na pag­ba­ba­ha­gi sa buong ban­sa.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippinesand is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

https://cpp.ph/2019/08/07/mga-panukalang-batas-para-sa-mga-magsasaka/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.