Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Aug 7, 2019): Pilipinas, pinakadelikadong bansa
NALAGAY SA PANDAIGDIGANG pansin ang Pilipinas nitong nagdaang mga buwan matapos mailista bilang pinakadelikadong bansa para sa mga aktibistang pangkalikasan at pang-apat para sa mga sibilyan.
Sa ulat na inilabas noong Hulyo 30 ng Global Witness, isang independyenteng grupong nakabase sa London, inungusan ng Pilipinas ang Brazil bilang numero unong bansa sa dami ng pinaslang na mga aktibistang pangkalikasan. Alinsunod sa ulat ng grupo, mayroong 30 tagapagtanggol ng lupa at kalikasan ang pinatay noong 2018 (48 noong 2017), pinakamataas na naitala sa Asia. Sangkatlo ng mga biktima ay mula sa Mindanao kung saan planong magtayo ni Duterte ng mga plantasyon na sasaklaw ng 1.6 milyong ektaryang lupain. Kalakhan sa mga ito ay lupang ninuno ng mga Lumad. Kalahati sa mga naiulat na kaso ng pamamaslang ay may kaugnayan sa agribisnes.
Noong Hunyo, inilista rin ng Armed Conflict Location and Event Project (Acled), isang grupong nakabase sa United States, ang Pilipinas bilang pang-apat na pinakapeligroso para sa mga sibilyan. Sangkatlo sa mga biktima ay pinaslang sa tabing ng “gera kontra-droga” ni Duterte. Target din ng pamamaslang ang mga karibal sa pulitika, mga kasapi ng mga partidong pampulitika at progresibong mga organisasyon, mga aktibista, magsasaka, abugado at huwes. Ayon sa pananaliksik ng grupo, nagresulta ang mga patakaran ng rehimen sa direktang mga pang-aatake at pagpaslang sa halos 490 sibilyan ngayong 2019.
Umaabot sa 450 ang direktang pinaslang ng mga pwersa ng estado. Pinakamarami ang pinaslang sa Central Luzon (23%), Calabarzon (22%) at sa National Capital Region (10%).
[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippinesand is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]
https://cpp.ph/2019/08/07/pilipinas-pinakadelikadong-bansa/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.