Saturday, August 10, 2019

CPP/Ang Bayan: Pag­da­nak ng du­go sa Neg­ros

Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Aug 7, 2019): Pag­da­nak ng du­go sa Neg­ros

Noong ga­bi ng Hul­yo 25, pi­na­sok ng ar­ma­dong ka­la­la­ki­han ang ku­bo ng pa­mil­yang Ocam­po sa Barangay San Jo­se, Sta. Ca­ta­li­na, Negros Oriental. Bi­na­ril at pi­na­tay ni­la ang isang taong gu­lang na si Marjon at ang kan­yang ama na si Mar­lon Ocam­po na inaa­ku­sa­han ni­lang sumusuporta sa Bagong Hukbong Bayan (BHB). Nasugatan dito ang asawa ni Marlon. Saksi sa krimen ang dalawa pang batang Ocampo. Ang mag-a­mang Ocam­po ang pi­na­ka­hu­li sa 87 bik­ti­ma ng ekstra­hu­di­syal na pa­ma­mas­lang sa Neg­ros mu­la nang mau­po ang halimaw na si Rodrigo Duter­te.

Sa Gui­hul­ngan, bi­na­ril at pi­na­tay si Atty. Anthony Tri­ni­dad noong Hul­yo 23. Isa si­ya sa mga abu­ga­dong ma­li­syo­song ini­ug­nay ng gru­pong Kaw­sa Gui­hul­nga­non Ba­tok Ko­mu­nis­ta sa re­bo­lu­syo­nar­yong ki­lu­san. Ang na­tu­rang gru­po ay pi­non­do­han at pi­na­ta­tak­bo bilang death squad ng Philippine National Police. Na­su­ga­tan ang asa­wa ni Tri­ni­dad na si Novie Ma­rie at isa pang dray­ber ng pe­dikab sa in­si­den­te. Noong Hul­yo 25, pi­na­tay ang mag­ka­pa­tid na si­na Arthur Ba­ya­wa, prin­si­pal ng Gui­hul­ngan Science High Scho­ol at Arda­le Ba­ya­wa, he­pe ng Gui­hul­ngan City Divi­si­on ng Department of Education sa Ba­ra­ngay Hi­bai­yo. Sa pa­re­hong araw, bi­na­ril na­man ang mag­sa­sa­kang si Ro­meo Ali­pan, kapitan ng Ba­ra­ngay Bue­navis­ta. Lahat ng mga biktima ay pinalalabas na pinatay ng BHB, kahit pa una na silang binansagan ng AFP na mga tagasuporta o myembro ng BHB.

Bi­na­ril na­man ang da­ting me­yor ng Ayungon na si Edcel Enar­deci­do at pin­san ni­yang si Leo Enar­deci­do noong Hul­yo 27. Ba­go ni­to, naiu­lat na na­ma­tay si Sunny Cal­de­ra, ka­pi­tan ng Ba­ra­ngay Ma­ba­to sa naturang bayan ma­ta­pos uma­nong ma­kai­nom ng pes­ti­sid­yo noong Hul­yo 25. Isa pang mag­sa­sa­ka, si Re­den Eleu­te­rio, ang bi­na­ril sa Barangay Tam­pocon II. Ang mga ata­keng ito ang du­wag na gan­ti ng re­hi­meng Du­ter­te sa le­hi­ti­mong am­bus ng mga Pu­lang man­di­rig­ma sa apat na pu­lis sa Ayu­ngon noong Hulyo 18.

Noong Hul­yo 26, pi­na­tay si Fe­de­rico Sa­bejon sa Ba­ra­ngay 3, Sia­ton. Sa Can­la­on City, pi­nas­lang naman ang ka­pi­tan ng Pa­nu­bi­gan na si Ernes­to Po­sa­das at kon­se­hal ng syudad na si Ra­mon Ja­lan­do­ni. Pa­tay din si Anacianci­no Ro­sa­li­ta, ta­nod ng Ba­ra­ngay Buca­lan noong Hul­yo 28. Binaril siya ng mga pwersa ng death squad ni Duterte sa Oval Pub­lic Mar­ket sa katabing barangay.

Da­la­wang mag­sa­sa­ka, si­na Wenny Aleg­re at Fe­li­mi­no Ja­na­yan, pa­ngu­lo ng Uni­ted Ca­la­ngo Far­mers Associa­ti­on sa Zam­boa­ngui­ta, Neg­ros Ori­en­tal ang bi­na­ril at pi­nas­lang noong Hul­yo 24. Nag­pang­gap ang mga sa­la­rin na mga Pu­lang man­di­rig­ma sa tang­kang si­ra­an ang re­bo­lu­syo­nar­yong kil­usan.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippinesand is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

https://cpp.ph/2019/08/07/pagdanak-ng-dugo-sa-negros/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.