Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Aug 7, 2019): AFP at PNP, nagtamo ng 43 kaswalti sa Negros
APAT NA PULIS na nagpanggap na mga empleyado ng Department of Environment and Natural Resources ang tinambangan ng mga Pulang mandirigma sa Sityo Yamot, Barangay Mabato, Ayungon, Negros Oriental noong Hulyo 18. Agad na namatay ang apat sa armadong sagupaan, taliwas sa pinalabas ni Rodrigo Duterte na sila’y tinortyur. Nakumpiska ng BHB ang apat na pistolang 9mm., siyam na magasin at mga bala.
Noong Hunyo 22, pinasabugan ng BHB ng command-detonated explosive (CDX) ang tropa ng 704th Regional Mobile Force Battalion sa Sityo Cambugtong, Manjuyod, Negros Oriental. Mahigit 20 ang namatay at dalawa ang nasugatan sa hanay ng kaaway. Bago nito, inisnayp ng hukong bayan ang mga sundalo ng 94th IB sa Sityo Bulo. Nagresulta sa tatlong kaswalti sa hanay ng mga sundalo ang operasyon.
Noong Hulyo 2, alas-4:30 ng umaga, binigo ng mga Pulang mandirigma ang tangkang pagsalakay ng 11th IB sa isang yunit ng BHB sa Sityo Small Samac, Barangay Nalundan, sa Bindoy. Lima ang napatay at anim ang nasugatan sa mga sundalo.
Sorsogon. Pinasabugan ng BHB-Sorsogon ang mga nag-ooperasyong tropa ng PNP Special Action Force (SAF) sa Barangay Tulatula Sur sa bayan ng Magallanes noong Hulyo 30, alas-3 ng hapon. Sampu ang naitalang patay sa hanay ng SAF.
Agusan del Norte. Pinasabugan ng BHB ang mga tropa ng 23rd IB sa Sityo Hinandayan, Barangay Camagong, Nasipit, Agusan del Norte noong Hulyo 12, alas-9:40 ng umaga. Lima ang naitalang napatay sa tropa ng militar habang lima rin ang nasugatan.
Quezon. Tatlong magkakasunod na operasyong haras ang inilunsad ng BHB-Quezon laban sa pinagsanib na pwersa ng 80th IB at PNP Regional Mobile Force Battalion sa Sityo Lagmak, Pagsangahan, Gen. Nakar noong Hulyo 28-30. Isa ang patay at dalawa ang nasugatan sa mga sundalo.
[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippinesand is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]
https://cpp.ph/2019/08/07/afp-at-pnp-nagtamo-ng-43-kaswalti-sa-negros/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.