Saturday, August 10, 2019

CPP/Ang Bayan: Na­tio­nal Land Use Act, pakanang neo­li­be­ral

Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Aug 7, 2019): Na­tio­nal Land Use Act, pakanang neo­li­be­ral

Sa ikat­long pag­ka­ka­ta­on, mu­ling ti­nu­koy ni Rod­ri­go Du­ter­te ang Na­tio­nal Land Use Act (NLUA o ba­tas sa pam­ban­sang pag­ga­mit ng lu­pa) bi­lang prayoridad na panukala ng kan­yang rehimen sa kan­yang Sta­te of the Na­ti­on Address (SONA) noong Hul­yo 22.

Igi­ni­it ni­ Duterte na ki­na­kai­la­ngan na itong kagyat na ipa­sa ng Kong­re­so ba­go ma­ta­pos ang taon pa­ra ma­ka­pag­la­tag uma­no ng isang pam­ban­sa at kompre­hen­si­bong pla­no sa pag­ga­mit ng lu­pa pa­ra “ma­tu­gu­nan ang de­mand ng da­yu­hang mga ma­mu­mu­hu­nan.”

Pa­ngu­na­hing la­yu­nin mg NLUA pa­bi­li­sin ang pro­se­so ng ma­la­wa­kang kum­ber­syon ng mga lu­pang ag­ri­kul­tu­ral at ni­nu­no tu­ngong re­si­den­sya­l, ko­mer­syal at in­dustri­yal na ga­mit pa­ra kag­yat na mai­ben­ta sa mga da­yu­hang ma­mu­mu­hu­nan at ka­ni­lang ka­so­syong mga bur­ge­sya kumpra­dor. Ga­ga­mi­tin ito pa­ra pa­la­ya­sin ang mga mag­sa­sa­ka at ka­tu­tu­bo sa mga lu­pang tar­get na ta­yu­an ng dam­bu­ha­lang mga imprastruk­tu­ra sa ila­lim ng prog­ra­mang “Build, Build, Build.” Pasiuna nang ipinapatupad ito ngayon ng rehimen sa pamamagitan ng serye ng mga kautusang administratibo na inilabas ng Departmetn of Agrarian Reform noong Pebrero.

Sa ilalim ng NLUA, ita­ta­tag ang Na­tio­nal Land Use Com­mis­si­on (NLUC) na ma­nga­nga­si­wa sa rek­la­si­pi­ka­syon at kum­bersyon ng mga re­kur­song lu­pa sa buong ban­sa at mag­ba­ba­lang­kas ng pam­ban­sang pla­no pa­ra ri­to ka­da sam­pung taon alin­su­nod sa pa­nga­ngai­la­ngan ng mga ka­pi­ta­lis­ta. Ito ang mag­ta­tak­da kung alin la­mang ang mga lu­pa­in na maaa­ring bung­ka­lin at kung alin ang maaa­ring pag­ti­ri­kan ng mga imprastruk­tu­ra at ka­ba­ha­yan.

Ipag­ba­ba­wal ng NLUC ang pag­sa­sa­ka sa mga pam­pub­li­kong lu­pa­in na ide­dek­la­rang ka­gu­ba­tan, ka­bi­lang ang mga lu­pang hi­na­wan na ng ma­li­li­it na mag­sa­sa­ka. Ga­ga­win ni­tong mas sis­te­ma­ti­ko ang mga prog­ra­mang ga­ya ng Na­tio­nal Gree­ning Prog­ram na nag­pa­pa­la­yas sa ma­li­li­it na kai­nge­ro sa ka­ni­lang mga sa­ka­han pa­ra ma­ga­mit ang mga ito sa ma­la­la­wak na plan­ta­syon ng ko­mer­syal na ka­hoy.

Ma­ta­gal nang na­ka­bin­bin sa Kong­re­so ang NLUA. Una itong iti­nu­lak ng re­hi­meng Co­razon Aqui­no ka­sa­bay ng iba pang mga neo­li­be­ral na re­por­mang dik­ta ng World Bank. Sa na­ka­ra­an, gi­na­wa itong kun­di­syon ka­pa­lit ng bil­yun-bil­yong pau­tang. Pa­tu­loy itong ipi­na­nu­ka­la at ti­nu­koy na su­sing le­his­la­ti­bong hak­ba­ngin ng mag­ka­ka­su­nod na re­hi­men su­ba­lit hin­di ito umu­sad sa loob ng ma­hi­git da­la­wang de­ka­da.

Ni­tong nag­da­ang mga taon, gi­na­mit ng Ame­rican Cham­ber of Com­merce, ka­sa­pa­kat ng ahen­syang USAID, ang The Arang­ka­da Phi­lip­pi­nes Project pa­ra ag­re­si­bong itu­lak ang mga re­hi­meng Aqui­no at Du­ter­te na ipag­pa­tu­loy ang pag­-lo­bby ng ba­tas na ito sa Kong­re­so. Ta­ha­sang pa­nga­nga­yu­pa­pa ang ipi­na­ma­las ng re­hi­meng Du­ter­te nang ilu­sot ni­to sa Kongreso sa ikat­long pag­ba­sa ang pa­nu­ka­la ba­go mag­sa­ra ang sesyon nito noong Hun­yo 3.

Sa da­ra­ting na mga bu­wan, na­ka­tak­da nang ta­la­ka­yin ang pa­nu­ka­la sa Senado sa pa­ngu­ngu­na ni Se­n. Cynthia Vil­lar, ta­ga­pa­ngu­lo ng ko­mi­te ni­to sa ka­li­ka­san at li­kas na mga re­kur­so. Sa ka­bi­la ng pa­gi­ging al­ya­do ni Du­ter­te, ma­ri­in ang pag­tu­tol ni­ya sa pag­sa­sa­ba­tas ng NLUA sa­pag­kat ta­tang­ga­lin ni­to ang ka­pang­ya­ri­han ng mga lo­kal na gub­yer­no na mag­rek­la­si­pi­ka ng mga lu­pa­ing ka­ni­lang si­na­sak­law at mag­tak­da ng sa­ri­ling pla­no sa pag­ga­mit ng mga ito. Ka­pag nai­sa­ba­tas ang NLUA, ipa­pa­sa ang mga ka­pang­ya­ri­hang ito sa NLUC na di­rek­tang na­ka­pai­la­lim sa pam­ban­sang gub­yer­no.

Ma­li­naw na pi­na­ki­na­ba­ngan ng mga Vil­lar ang lu­mang kaa­yu­san sa pag­pa­pa­lit-ga­mit ng lu­pa la­lu­pa’t mas ma­da­li pa­ra sa ka­ni­la na su­hu­lan ang lo­kal na mga gub­yer­no pa­ra ilu­sot ang ka­ni­lang mga ne­go­syong pa­ba­hay.

Sa ha­rap ng ban­tang mu­ling ibin­bin ang pa­nu­ka­la, ipi­na­tu­pad ng re­hi­men ang Joint De­partment of Agra­ri­an Reform-De­partment of Jus­tice Order 75 noong Ma­yo 31 na mag-iinsti­tu­syo­na­li­sa sa prog­ra­ma ni Du­ter­te sa pag­ga­mit ng lu­pa ka­hit hin­di pa nai­sa­sa­ba­tas ang NLUA.
Ayon sa kon­ser­ba­ti­bong ta­ya ng re­hi­men na ini­la­bas ni­to noong Ene­ro, lu­mi­it nang 25% ang ka­buuang er­ya ng lu­pang ag­ri­kul­tu­ral sa ban­sa mu­la 9.7 mil­yong ek­tar­ya noong 1980 tu­ngong 7.3 mil­yon noong 2012, pa­ngu­na­hin da­hil sa ma­la­wa­kang kum­ber­syon ng mga ito at la­ga­nap na pang-aa­gaw ng lu­pa sa buong ban­sa.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippinesand is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

https://cpp.ph/2019/08/07/national-land-use-act-pakanang-neoliberal/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.