DEPUTY SPOKESPERSON
APOLONIO MENDOZA COMMAND
NPA-QUEZON
NEW PEOPLE'S ARMY
AUGUST 07, 2019
Matagumpay na binigo sa serye ng mga labanan ng mga pwersa ng Apolonio Mendoza Command (AMC-NPA-Quezon) ang atake ng mahigit 100 magkasanib na tropa ng 80th IB-PA at PNP Regional Mobile Force Battalion noong Hulyo 28 hanggang Hulyo 30, 2019. Naganap ang unang labanan noong Hulyo 28 ng hapon sa ganap na 4:30pm na nagresulta sa 1 malubhang sugatan sa panig ng AFP-PNP. Ang ikalawang labanan ay naganap noong Hulyo 29 ng hapon na nagresulta sa isang malubhang sugatan sa AFP-PNP at ang ikatlong labanan ay naganap kinaumagahan ng Hulyo 30 na nagresulta sa isang patay na sundalo. habang wala ni isa mang kaswalti sa hanay ng BHB. Ang mga labanang ito ay inilunsad ng isang iskwad ng NPA-Quezon para idepensa ang sarili laban sa sumasalakay na mahigit na 100 tropa ng AFP-PNP. Ang nasabing pwersa ng NPA na magiting na lumaban sa mas superyor na pwersa ng AFP-PNP ay naglulunsad ng gawaing masa at gawaing produksyon sa Sitio Lagmak, Pagsangahan, Hen. Nakar, Quezon.
Ang nasabing mga tropa ng AFP-PNP ay bahagi ng laking batalyon ng pinagsanib na tropa ng RPMFB-PNP at 80th IB-PA na dalawang linggo nang naglulunsad ng kontra-insurhensyang operasyon para diumanoy durugin ang NPA sa ilalim ng pakana ng rehimeng US-Duterte na National Task Force to End Communist Insurgency at upang pigilin at takutin ang mga magsasaka, mga katutubong Dumagat at Remontado at mamamayan ng Infanta at Hen. Nakar, Quezon na tumututol sa mapanira, kontra-kalikasan at kontra-mamamayang KALIWA DAM na planong itayo sa Barangay Magsaysay, Infanta-Quezon at Barangay Pagsangahan, Hen. Nakar, Quezon. Ang mga pwersang ito ng PNP at 80th IB-PA ang tumatayong protektor ng mga dayuhan kapitalistang Tsino at lokal na malalaking kapitalista na kumikita ng limpak-limpak na tubo sa nasabing proyekto sa kapariwaraan ng mga mamamayan at katutubo sa nasabing lugar.
Ang tagumpay ng aksyon ng NPA na aktibong lumaban para ipagtanggol ang sarili at ipagtanggol ang interes ng mamamayan ay patunay na kakayanin ng rebolusyonaryong kilusan na aktibong labanan at biguin ang layunin ng Rehimeng US-Duterte na durugin ang rebolusyonaryong kilusan sa taong 2019 at hanggang sa mga susunod na panahon.
Patuloy na susuportahan ng mamamayang Pilipino ang CPP-NPA-NDFP habang tuloy-tuloy na kamumuhian nila ang Rehimeng US-Duterte dahilan sa mga kasalanan nito sa mamamayang Pilipino tulad ng tuloy-tuloy at malawakang pagpatay sa mahihirap sa tabing ng kanyang kontra-drogang kampanya, patuloy na pagpapahirap sa mamamayan at mabigat na pasaning buwis dulot ng isinabatas ng TRAIN Law, pagbebenta ng soberanya ng Pilipinas at pagkatuta sa Tsina at sa Imperyalistang US, malaganap na paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ng Martial Law sa Mindanao at de facto Martial Law sa Negros, Samar, Bicol at sa buong bansa at tuloy-tuloy na atake sa buhay at kabuhayan ng mga mahihirap, habang lubos na itinataguyod at sinusuportahan ang interes ng mga panginoong maylupa, malalaking burgesyang komprador, mga oligarkiya sa Pilipinas, at mga dayuhang monopolyong kapitalista.
Ang tiyak, mawawala sa kapangyarihan ang rehimeng US-Duterte subalit mananatili ang CPP-NPA-NDFP at patuloy itong maglilingkod ng lubos sa sambayanang Pilipino. Patuloy itong maglulusad ng digmang bayan hanggang sa tagumpay!
MABUHAY ANG BAGONG HUKBONG BAYAN!
MABUHAY ANG PARTIDO KOMUNISTA NG PILIPINAS!
MABUHAY ANG SAMBAYANANG PILIPINO!
https://cpp.ph/statement/isa-ang-patay-at-dalawa-ang-sugatan-sa-hanay-ng-kasundaluhan-sa-pagbigo-ng-npa-quezon-sa-atake-ng-afp-pnp/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.