Malaya Asedillo
Spokesperson
NDF-Laguna
National Democratic Front of the Philippines
June 04, 2023
Kinikilala natin ang buwan ng Hunyo bilang Pride Month, o buwan ng pagtangi sa pagkakilanlan sa mga bakla, lesbyana, bisexual, transgender, at iba pang identidad sa bandila ng LGBTQ+.
Hunyo 28, 1969 nangyari ang Stonewall Riots — isang serye ng aksyong masa na pinangunahan ng LGBTQ+ laban sa matinding diskriminasyon at panunupil na ginawa ng pulis sa bayan ng New York, Estados Unidos. Dinepensahan ng LGBTQ+ ang Stonewall Inn, isang bar sa New York kung saan malaya ang LGBTQ+ na magpakatotoo sa kanilang sarili, laban sa tangkang i-reyd ito at isara ng kapulisan. Umabot ng isang linggo ang mga riot at linahukan ng halos isang libong mga LGBTQ+ na mamamayan.
Naging mitsa ng LGBTQ+ ang Stonewall Riots para isulong ang pakikibakang masa nila para sa pantay na karapatan at pagwakas sa diskriminasyon. Mahahalintulad natin ito sa Sigaw ng Pugad Lawin noong 1896 o sa Sigwa ng Unang Kwarto noong 1970.
Matindi pa rin ang pagsasamantala at diskriminasyon na kinakaharap ng LGBTQ+ sa buong daigdig. Dagdag pasanin sa kanila ang pagsasamantalang dulot ng kulturang naglalarawan sa kanila bilang “hindi natural”, “makasalanan”, o “bastos at malaswa.”
Sa Pilipinas, matatagpuan ang LGBTQ+ sa lahat ng sektor at uri ng lipunan. Bagama’t hindi sila mayorya sa populasyon, may partikular na pagkilala ang mamamayan sa LGBTQ+ bilang identidad na hiwalay sa kanilang uring pinagmulan. Relatibong mas matingkad ang identidad na ito sa LGBTQ+ na mula sa uring petiburgesya, ngunit matatagpuan din ang LGBTQ+ sa mga manggagawa, magsasaka, maralita, at iba pa.
Pinagsasamantalahan ang LGBTQ+ ng isang pyudal na kulturang nagtataguyod ng ideya ng “patriyarka”, at ng isang burges na kulturang nagdidiin sa indibidwalismo at dekadensya. Sa mahabang panahon ng pyudal na pagsasamantala, nabuo ang macho-pyudal at mapang-aping kultura na nag-imbento ng pamantayan sa kung ano ang “tunay” na lalaki o babae. Sa ganitong aspeto, may pagkahalintulad ito sa pagsasamantalang nararanasan ng kababaihan.
Hinihiwalay naman ng dayuhan at imperyalistang kultura ang LGBTQ+ mula sa mamamayan sa pamamagitan ng mababaw na pagdiin lamang sa identidad nila (identity politics) at pagbaon ng usapin ng pagpapalaya ng LGBTQ+ sa repormismo. Ginagamit ng mga dambuhalang kapitalista ang usapin ng LGBTQ+ upang magmukhang “progresibo” habang patuloy na pinagsasamantalahan ang kanilang lakas-paggawa at hindi binibigay ang kanilang batayang karapatan.
Salungat ito sa mahaba at mayamang kasaysayan ng LGBTQ+ sa ating bansa. Bago pa man dumating ang kolonyalistang EspaƱol, kinikilala na natin ang katayuan ng mga transgender bilang hiwalay na kasarian at binibigyan sila ng mataas na karangalan at katayuan sa lipunan bilang mga babaylan, asog, at iba pa.
Hindi mabubura ang aktibong paglahok ng LGBTQ+ sa pakikibakang masa at rebolusyong Pilipino. Napukaw ng Rebolusyon ng 1896 ang diwa ng mga babaylang tulad ni Dios Buhawi at mga Pulahanes at nag-alsa sila laban sa pananakop ng Estados Unidos. Mahalaga ang nagpapatuloy na papel ng mga organisasyong masa ng LGBTQ+ sa kabuuan ng ligal at demokratikong kilusang masa. Kasabay nito, patuloy ring lumalahok ang rebolusyonaryong LGBTQ+ sa demokratikong rebolusyong bayan, at marami sa mga kadre ng Partido Komunista ng Pilipinas, mga Pulang mandirigma, at kumander ng Bagong Hukbong Bayan ay LGBTQ+.
Hindi hiwalay ang LGBTQ+ sa pangkalahatang krisis ng malakolonyal at malapyudal na lipunan. Pasan nila ang mga kontradiksyong nagsasamantala sa kanila bilang uri: ang kawalan ng lupa, kapitalistang pagsasamantala, pagkait sa kanila ng mga batayang karapatan, at iba pa.
Hindi makakamit ng LGBTQ+ ang kanilang hangarin ng pantay na pagkilala at karapatan kung hindi ito ikakawing sa mas malawak na pambansa-demokratikong pagkikibaka na may sosyalistang perspektiba. Kung ang layunin natin ay makamit ang tunay at pangmatagalang pagbabago ng lipunan, kailangan natin ng solidong pagkakaisa ng mga uri at sektor, sa pamumuno ng uring proletaryado. Kailangan ito para ibagsak ang mga kaaway ng sambayanan: ang imperyalismong US, ang mga lokal na reaksyunaryong naghaharing uri, at ang reaksyunaryong estadong pinamumunuan nito.
Makakamit lamang ng LGBTQ+ at ng buong sambayanan ang tagumpay na ito sa pamamagitan ng pagsulong ng isang determinado at ubos-kayang rebolusyonaryong pakikibaka. Sa paglakas ng rebolusyonaryong kilusan at pagbuo ng mga sandata ng mamamayan — ang PKP, ang BHB, at ang nagkakaisang prente ng mga rebolusyonaryong uri, hinihiwalay at unti-unti nating ginagapi ang reaksyunaryong kaaway at ang mga imperyalistang amo nito.
Sa tagumpay ng ating pambansa-demokratikong rebolusyon, makakamit natin ang pambansang kalayaan mula sa dayuhang pahihimasok at mababawi natin ang mga demokratikong karapatan ng mammayan — kabilang na ang karapatan ng LGBTQ+ na kilalanin bilang kapantay ng ibang kasarian sa lipunang Pilipino.
Ang tagumpay ng pambansa-demokratikong rebolusyon ang maghahawak ng daan tungo sa isang lipunang rumerespeto sa karapatan ng lahat ng mamamayan: isang sosyalistang lipunan na pinamumunuan ng proletaryado.
Magkapit bisig kasama ang masang anakpawis! LGBTQ+, paglingkuran ang sambayanan, sumapi sa Bagong Hukbong Bayan! Isulong ang demokratikong rebolusyong bayan hanggang sa tagumpay!
https://philippinerevolution.nu/statements/lalaya-ang-kasarian-sa-paglaya-ng-sambayanan-lgbtq-sumapi-sa-bagong-hukbong-bayan/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.