Tuesday, June 6, 2023

CPP/Ang Bayan Daily News & Analysis: Pagtalaga ni Marcos kina Teodoro at Herbosa bilang kalihim sa depensa at pangkalusugan, inulan ng batikos

Ang Bayan Daily News & Analysis online propaganda posted to the PRWC Newsroom, the blog site of the Communist Party of the Philippines (CPP) Information Bureau (Jun 5, 2023): Pagtalaga ni Marcos kina Teodoro at Herbosa bilang kalihim sa depensa at pangkalusugan, inulan ng batikos (Marcos' appointment of Teodoro and Herbosa as defense and health secretaries, rained criticism)
 





June 06, 2023

Mariing pagkundena ang sumalubong sa pagtalaga ni Ferdinand Marco Jr kay Gilbert Teodoro bilang kalihim ng Department of Defense at Teodoro Herbosa sa pinakamataas na pwesto sa Department of Health. Kapwa masama ang rekord ng dalawa, laluna sa paggalang ng mga karapatang-tao.

Si Teodoro ay una nang nagsilbing kalihim ng DND mula 2007 hanggang 2009 sa ilalim ng rehimen ni Gloria Macapagal-Arroyo. Pinamunuan niya ang pagpapatupad sa Oplan Bantay Laya 2, isa sa pinakabrutal at madugong kampanyang mapanupil.

Sa isang tweet, sinariwa ni Tinay Palabay, kalihim ng grupong Karapatan, ang mga krimen ni Teodoro. Ilan lamang dito ang pagpaslang ng mga armadong pwersa ng estado kina Fr. Cecilio Lucero, Rebelyn Pitao, Dr. Rogelio Penera, Dr. Bartolome Resuello, mga magsasakang sina Manuel at Jocelyn Suarez at kanilang apat na anak, Edelina Jerus, Wilma Ambil, Charito Caspillo, at ang 11-taong gulang na si Halima Bansil.

Sangkot din si Teodoro sa pagdukot kay James Balao na hanggang ngayon ay nawawala, at ang pagdukot at tortyur kina Melissa Roxas at Pastor Rodel Canja na inilitaw dulot ng malawakang panawagan para rito. Sa panahon din niya inaresto, kinasuhan at ikinulong sa gawang-gawang kaso sina Elizabeth Principe, Atty. Remigio Saladero at Randall Echanis.

Labas sa kanyang madugong rekord sa gubyerno, malaki rin ang naging interes ni Teodoro sa pagmimina. Dati siyang pinuno ng Saggitarius Mining Incorporated, ang kumpanya sa pagmiminang nagpupumilit minahin ang ginto at ibang mineral sa Tampakan, South Cotabato, gayundin ng Indophil Resources Corporation, dating pagmamay-ari ng Glencore International.

Ilang beses siyang nagtangkang umupo sa pambansang pamumuan, kabilang ang pagtakbo bilang presidente at senador na kapwa hindi na naipanalo. Noong 2022, nagprisinta siyang makapareha ni Sara Duterte sakaling tumakbo ito pagkapresidente. Kilala siyang malapit kay Gloria Macapagal-Arroyo.

Bago siya napadpad sa pambansang pulitika, nagsilbi siyang upisyal panlalawigan ng Tarlac sa ilalim ng diktadurang Marcos. Pinsan siya ni Benigno Aquino Jr, at pamangkin ni Eduardo Cojuangco Jr, ang pinakamalaking kroni ng diktador na Marcos Sr, ama ng kasalukuyang presidente.

Si Herbosa, sa kabilang banda, ay kilala sa pagiging Red-tagger ng mga aktibista, kabilang ng mga manggagawang pangkalusugan na naggigiit ng karampatang kumpensasyon noong panahon ng pandemya. Isa sa pinakabantog niyang upinyon ay ang pagkutya niya sa pagdadalamhati ng detenidong si Reina Mae Nasino at kanyang mga tagasuporta nang mamatay ang anak nitong si Baby River. Umani siya ng kaliwa’t kanang batikos noong panahon ng pandemya dahil sa pagpapalaganap niya ng mga maling pananaw at datos.

Napilitan siyang magbitiw sa pwesto bilang executive vice-president ng University of the Philippines-Los Banos dahil sa pagkutya niya sa community pantry matapos mamamatay ang isang matanda habang naghihintay sa pila. Kilala din siyang misogynist (galit at walang respeto sa kababaihan) at kakoro ng NTF-Elcac sa pagrered-tag sa mga manggagawang pangkalusugan. Dati siyang espesyal na tagapayo ng National Task Force Against COVID-19 na nagpatupad ng militaristang lockdown at iba pang mapaniil na hakbang sa panahon ng pandemya.

Isa sa nagpahayag ng pagkadismaya sa pagkakatalaga kay Herbosa sa DoH ay ang Alliance of Health Workers (AHW).

“Nae-experience natin nung 2010-2015…siya ang pasimuno na isapribado ang mga pampublikong ospital at pagbebenta sa iba pang pampublikong ospital para isapribado,” ayon kay Robert Mendoza, presidente ng AHW. “Nag-aalala kami dahil alam natin na siya ang utak ng privatization.”

https://philippinerevolution.nu/angbayan/pagtalaga-ni-marcos-kina-teodoro-at-herbosa-bilang-kalihim-at-depensa-at-pangkalusugan-inulan-ng-batikos/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.