Tuesday, June 6, 2023

CPP/Ang Bayan Daily News & Analysis: Mapangwasak na proyektong reklamasyon, tinutulan

Ang Bayan Daily News & Analysis online propaganda posted to the PRWC Newsroom, the blog site of the Communist Party of the Philippines (CPP) Information Bureau (Jun 5, 2023): Mapangwasak na proyektong reklamasyon, tinutulan (Destructive reclamation project, opposed)
 





June 05, 2023

Inilunsad sa pangunguna ng People’s Network for the Integrity of Coastal Habitats and Ecosystems (People’s NICHE) ang 3rd National People’s Summit Against Reclamation noong Hunyo 3-4 sa Maynila. Kabilang sa mga lumahok sa pagtitipon ang iba pang grupong maka-kalikasan, kasama ang higit 100 mangingisda mula sa iba’t ibang panig ng bansa.

Tumampok sa kanilang talakayan ang naiulat na 53 proyektong reklamasyon sa buong bansa na kalakhan ay nakabase sa Manila Bay at sasaklaw sa mahigit 27,000 ektarya ng pangisdaan. Tinatayang umaabot sa 1.5 milyong tao ang direktang apektado nito.

Naging masigla ang naging palitan ng karanasan at kinakaharap na problema ang inilatag ng mga kinatawan ng iba’t ibang sektor na magiging epekto sa kanila ng nakaaalarmang pagdami ng proyektong reklamasyon.

Panawagan nilang ikansela ng estado ang lahat ng proyektong reklamasyon, dredging, at seabed quarrying (paghuhukay ng buhangin sa ilalim ng dagat) sa buong bansa at imbestigahan at panagutin ang mga korporasyon at ahensya ng gubyernong nasa likod nito.

Kasama ang San Miguel Corporation, SM Prime Holdings, Waterfront, at mga dayuhang korporasyon tulad ng China Harbor Engineering Company at Royal Boskalis Westminster N.V. sa mga korporasyon na may nakatakda o kasalukuyang gumugulong na proyekto.

Naglunsad rin kahapon ang mga grupo ng sunset protest (protesta sa dapithapon) sa Rajah Sulayman Park sa Maynila bilang pagsasara sa naturang summit at bilang tanda ng sama-samang pagtutol sa mapangwasak na mga proyektong ito. Inihayag rin nila ang determinasyon manguna sa pangangalaga sa integridad ng coastal habitats and ecosystems (kalusugan ng mga baybayin) na mahalaga para sa mga komunidad at pangkabuuang kapaligiran.

Pahayag ni Fernando Hicap, Pambansang Tagapangulo ng PAMALAKAYA: “Bilang kasalukuyang kalihim ng Department of Agriculture, dapat panagutan ni Pangulong Marcos Jr ang naging epekto ng mga reklamasyong ito sa milyun-milyong mangingisda. Ang kanyang patuloy na pananahimik sa mga usapin ay dagdag na pagpapabaya sa naghihingalo nang sektor ng mga mangingisda.”

“Mga malaking korporasyon lamang ang makikinabang dito at lalong mapapabayaan ang sosyo-ekonomikong karapatan ng mga mangingisda, marine biodiversity, at ang lokal na seguridad sa pagkain,” dagdag niya.

Samantala, nahimok nilang makipagkonsulatahan ang Ambassador ng The Netherlands sa Pilipinas na si Marielle Garadaets sa mga mangingisda sa Cavite na apektado ng dredging sa Manila Bay ng kumpanyang Boskalis, isang Dutch maritime construction firm (mga konstruksyon sa dagat).

Tumungo rin sila sa Mendiola para patampukin ang kanilang panawagan sa pagsalubong ng World Environment Day ngayong araw.

https://philippinerevolution.nu/angbayan/mapangwasak-na-proyektong-reklamasyon-tinutulan/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.