Sunday, April 30, 2023

CPP/Ang Bayan Daily News & Analysis: Kabataan, nagmartsa sa CHED kontra taas-matrikula

Ang Bayan Daily News & Analysis online propaganda posted to the PRWC Newsroom, the blog site of the Communist Party of the Philippines (CPP) Information Bureau (Apr 30, 2022): Kabataan, nagmartsa sa CHED kontra taas-matrikula (Youth, marched at CHED against high matriculation)






April 30, 2023

Nagmartsa ang mga kabataan at estudyante mula sa iba’t ibang unibersidad ng Metro Manila mula sa University Avenue ng University of the Philippines-Diliman tungo sa upisina ng Commission on Higher Education (CHED) sa Quezon City noong Abril 28. Ito ay bilang protesta sa napipintong pagtataas ng matrikula, sa pahintulot ng CHED, sa maraming Higher Education Institutions o mga pribadong unibersidad sa bansa.

Sa pangunguna ng Rise for Education Alliance at National Union of Students of the Philippines (NUSP), ilampung kabataan ang nagtungo sa CHED para kalampagin ang naturang ahensya.

Kabilang sa mga pamantasan at uniberisdad na may planong magtaas ng matrikula ang University of the East (9.5%), Saint Louis University (9%), Holy Angel University (8%), Ateneo (7%), University of Sto. Tomas (7%), University of San Carlos (3-5%), De La Salle Univesity (4%) at Far Eastern University (4%).

Nakiisa sa pagkilos ang mga kinatawan ng mga konseho ng mga mag-araal at iba pang organisasyon mula sa University of Sto. Tomas, De La Salle University, Far Eastern University, Ateneo de Manila University, University of the East, National University at mga pampublikong pamantasan tulad ng UP at Polytechnic University of the Philippines.

Giit ng mga kabataan, hindi makatwiran at makarungan ang planong pagtataas ng matrikula at iba pang bayarin sa mga pamantasan.

Pahayag ni Nathan Agustin mula sa UST Student Council, “Ginigipit ng mga autonomous units ang students sa limitadong consultations on TOFI.” Himutok naman ng kinatawan ng DLSU, “ang education ay naging para sa mayaman imbis na maging para sa mamamayan.”

Bilang pagkundena sa napipintong pahirap na pagtaas ng matrikula, sabay-sabay nilang pinunit ang isang malaking “invoice” o listahan ng mga bayarin sa pamantasan. Sigaw nila: “Education not for sale!”

Ipinabatid din ng kabataan sa protesta ang paninindigan nila para sa kalayaang pang-akademiko at pagtutol sa Mandatory ROTC na itinutulak ng rehimeng Marcos Jr.
Negosyo ang edukasyon

Ayon sa pag-aaral ng NUSP, kailangan ng hanggang ₱150,000 kada taon para makapag-aral sa kolehiyo. Ngayon napipinto ang taas-matrikula, “hihilahin nito ang mga pamilyang Pilipino sa ibayong kahirapan habang nagpapayaman ang pinakamayayaman nang negosyante na nagpapatakbo sa edukasyon bilang negosyo,” paliwanag pa ng grupo.

Sa pag-aaral ng NUSP sa datos ng gubyerno noong 2021, sa 10 estudyanteng pumapasok sa primaryang edukasyon, siyam lamang ang nakapagtatapos. Pito na lamang sa kanila ang ang tutuloy sa hayskul. Sa pitong ito, anim lamang ang makagagradweyt at dadalawa lamang ang magtutuloy sa kolehiyo. Sa dalawa, isa lamang ang makapagtatapos. “Ipinakikita ng mga bilang na ito ang malubhang kalagayan ng edukasyon sa bansa,” ayon sa grupo.

https://philippinerevolution.nu/angbayan/kabataan-nagmartsa-sa-ched-kontra-taas-matrikula/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.