April 30, 2023
Inianunsyo ngayong araw ng Philippine National Police (PNP) ang pagdedeploy ng sobra-sobrang bilang ng mga pulis sa buong bansa para “panatilihin ang kaligtasan” bukas, Pandaigdigang Araw ng Paggawa. Kalakaran na ng PNP at estado na pigilang makapagtipon ang mga manggagawa sa araw na ito.
Ayon kay Gen. Benjamin C. Acorda Jr, hepe ng PNP, magpapakilos sila bukas ng 59,587 pulis para pigilana ang mga pagtitipon sa tabing ng “pagtulong na aayon sa batas” para maging “mapayapa” ang mga aktibidad.”
Nakatakdang magkasa ng pagkilos ang mga unyon at manggagawang nabubuklod sa All Philippine Trade Union bukas sa Mendiola sa Manila. Nasa 10,000 manggagawa ang inaasahang magtitipon para sa dagdag-sahod, trabaho at karapatan.
Sa Metro Manila, aabot sa 10,529 pulis ang pakikilusin ng National Capital Region Police Office (NCRPO) para pigilan at supilin ang demokratiko at ginagaratiyahan ng konstitusyon na mga pagkilos at protesta ng mga manggagawa sa rehiyon.
Upang bigyang matwid ang planong paggamit ng dahas laban sa mga protesta, ipinahayag ng PNP na mayroong “ilang grupo na sasamantalahin ang sitwasyon para maghasik ng gulo at karahasan.” Ipinahayag na rin ng NCRPO ang kahandaan nitong buwagin ang mga mapayapang pagkilos nang sabihin na ipatutupad nila ang reaksyunaryong patakaran na “no permit, no rally.”
https://philippinerevolution.nu/angbayan/60000-pulis-idedeploy-sa-bansa-kontra-rali-sa-mayo-uno/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.