April 30, 2023
Dalawang sundalo ng 70th IB ang napatay sa isang engkwentro sa yunit ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Bulacan sa Sityo Balagbag Araw, Barangay San Isidro, San Jose del Monte, Bulacan noong Abril 28 ng umaga.
Ayon sa ulat ng yunit, na-engkwentro nila ang nag-ooperasyong tropa ng 70th IB sa naturang lugar. Walang kaswalti sa panig ng mga Pulang mandirigma.
“Ang mersenaryong tropang ito ang masugid na tagapagprotekta ng interes ng naghaharing uri na sila Villar, Robes at Araneta,” pahayag ni Ka Jose del Pilar, tagapagsalita ng BHB-Bulacan.
Ayon sa yunit, mahigit 700 ektarya ang lupang kinakamkam ng pamilya Araneta sa lugar na siyang magpapalayas sa magsasaka sa lugar.
Ang tropa ng 70th IB ay mahigit tatlong linggo nang nag-ooperasyon at nanggugulo sa lugar. Kinokontrol ng mga sundalo ang kabuhayan at konsumo ng suplay ng mga residente. Ayon pa sa mga residente, tinatakdaan ng mga sundalo ang dami ng pagkain na pwede nilang bilhin.
Sangkot ang 70th IB sa maraming kaso ng paglabag sa karapatang-tao sa Bulacan at Zambales sa nagdaang mga taon. Imbwelto ang yunit sa pagpapaulan ng bala sa bahay ng mga sibilyan sa Sityo Manampus ng Barangay San Mateo, Norzagaray noong 2022. Ninakaw din ng mga sundalo ang bigas, manok at itik ng isang magsasaka noong Abril 24.
https://philippinerevolution.nu/angbayan/2-tropa-ng-70th-ib-napatay-sa-engkwentro-sa-bhb-bulacan/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.