April 27, 2023
Mahigpit na binatikos ng Computer Professionals Union ang balak ng Department of Information, Communication and Technology (DICT) na dahan-dahang pag-deactivate ng mga social media account ng mga di pa nakarehistrong SIM Card. Pinalutang ang pakana matapos mapwersa ang gubyernong Marcos at mga kumpanya sa telekomunikasyon na palawigin ng 90 araw ang pwersahang SIM registration. Halos 60% ng mga subscriber ang hindi pa nagparehistro pagsapit ng dedlayn noong Abril 26.
“Pinagbabantaan ng DICT ang mga Pilipino para isuko nila ang kanilang personal na impormasyon o kung hindi ay mawawalan sila ng akses sa mga serbisyong telekomunikasyon,” pahayag ng CPU sa isang pahayag noong Abril 26. Ibinubunyag ng mga bantang ito ang pagiging kontra-mamamayan ng pwersahang SIM Card Registration, at ang tunay na layunin nitong magkulekta ng personal na impormasyon at hindi para “sugpuin” ang mga internet at text scam. Sadya nilang pinalalaki ang SIM Card registration bilang solusyon sa mga scam para lokohin ang publiko, anang grupo.
Inianunsyo noong Abril 26 mismo ang pagpapalawig ng dedlayn ng pwersahang pagpaparehistro. Isang araw bago nito, ibinasura ng Korte Suprema ang petisyon na patawan ng TRO o pansamantalang ipatigil ang batas sa harap ng malalalang paglabag nito sa karapatan sa pribasiya at nararapat na proseso.
Patuloy na iginigiit ng CPU at mga grupong demokratiko ang pagtutol nila sa SIM Registration Law at panawagan na ibasura ito.
“Kailangan na itong ibasura bago dumami pa ang personal na impormasyon na maisasapeligro dahil dito,” ayon sa CPU.
Noong Abril 21 at muli noong Abril 26, nagrali ang mga myembro ng Junk SIM Registration Network at mga alyado nito sa harap ng upisina ng DICT para muling igiit ang pagbabasura ng mapaniil na batas na nagkakait sa marami ng batayang serbisyong telekomunikasyon, at para kundenahin ang estado sa pananakot nito para pwersahin ang mamamayan na magparehistro.
https://philippinerevolution.nu/angbayan/pakanang-pag-deactivate-ng-social-media-accounts-ng-di-rehistradong-sim-card-binatikos/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.