April 27, 2023
Lumalakas ang panawagan ng mga demokratikong grupo, abugado at tagapagtanggol ng karapatang-tao na imbestigahan at isiwalat ang katotohanan tungkol sa brutal na pagpaslang ng Armed Forces of the Philippines kina Benita at Wilma Tiamzon (Ka Laan at Ka Bagong-tao) noong Agosto 21, 2022.
Kasama ng mga Tiamzon na pinatay ng AFP sina Ka Divino (Joel Arceo), kalihim ng isang subrehiyon sa Eastern Visayas at mga pwersang gerilya na kasama nila sa kanilang upisina na sina Ka Yen, Ka Jaja, Ka Matt, Ka Ash, Ka Delfin, Ka Lupe at Ka Butig. Sa panahon ng kanilang pagkapaslang, tumatayong tagapangulo ng Komiteng Tagapagpaganap ng Komite Sentral si Ka Laan habang pangkalahatang kalihim ng Partido si Ka Bagong-tao.
Kinumpirma ng pamunuan ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) noong Abril 20 ang brutal na pagpaslang ng AFP kina Ka Laan at Ka Bagong-tao, kasama sina Arceo. Ayon sa ulat ng Kawanihan sa Pulitika, lulan ang grupo nila Tiamzon ng dalawang inarkilang van at bumibiyahe sa direksyong silangan patungo sa baybayin ng Catbalogan. Hindi sila nakaabot sa kanilang destinasyon.
Hinarang sila ng mga ahente ng militar sa pagitan ng alas-12 nang tanghali hanggang ala-una ng hapon. Huli silang nakontak sa selpon bago nito. Mula noon ay naputol na ang komunikasyon ng mga kasama sa kanila.
Anang PKP, may mga saksing nakakita sa mga bangkay ng mga Tiamzon at ibang kasama na may tanda na dumanas sila ng malalang tortyur, bago isinakay at pinalubog ang bangka noong umaga ng Agosto 22, 2022 sa karagatan sa pagitan ng Catbalogan at isla ng Taranganan upang burahin lahat ng ebidensya ng krimen.
Pinasisinungalingan ng ulat ng PKP ang unang mga ulat ng AFP na nagkaroon ng armadong engkwentro sa karagatan sa pagitan ng AFP at mga tauhan ng AFP, at ang diumano’y pagsabog ng bangka. Sa araw na iyon, may lumabas na impormasyong sa mga Facebook page ng mga sundalo ng AFP na “inaresto” ang mga Tiamzon.

Malalang paglabag sa internasyunal na makataong batas
Matapos isiwalat ang impormasyon ng pagkadakip, pagtortyur at pagpatay sa mga Tiamzon at Catbalogan 10, nagsalita ang iba’t ibang grupo at indibidwal na kumundena sa krimen. Binatikos ni Kasamang Julie de Lima Sison, pansamantalang pinuno ng Negotiating Panel ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) ang ginawang pagpatay sa mga Tiamzon na nagsilbing konsultant pangkapayapaan.
Kasama sa nananawagan para sa isang imbestigasyon ang grupong Karapatan at Bayan Muna.
Kabilang rin sa mga kumundena sa sadyang pagpatay sa tinaguriang Catbalogan 10 ang National Union of People’s Lawyers. Ayon sa pahayag nito noong Abril 21, malalalang paglabg sa internasyunal na makataong batas ang pagpaslang kina Ka Laan, Ka Bagong-tao at walo pa nilang kasama. Anito, kabilang ang mga Tiamzon sa kanilang mga kliyenteng konsultant sa usapang pangkapayapaan na pinaslang ng estado kahit hindi sila sangkot sa armadong sagupaan o malinaw na walang kakayahang depensahan ang kanilang mga sarili.
“Ang naiulat na manera ng pagpaslang, palatandaan ng tortyur sa mga bangkay ng di armadong mga sibilyan at sadyang pagtatakip sa pamamagitan ng pagpapasabog at paglubog ng isang “kaaway na barko” sa karagatan ng Catbalogan City, ay lahat nagpapatunay ng pagsagawa ng militar ng mga krimen sa digma,” pahayag ng grupo.
Inilalantad ng malalalang paglabag na ito ay ang kawalang hustisya sa kasalukuyang balangkas ng “kontra-terorismo” kung saan pinalalabo ang pagkakaiba ng armadong tunggalian sa terorismo, itinutulak ang arbitraryong pagbabansag ng mga kalahok sa matagalang armadong tunggalian bilang mga terorista, at nagpapahina sa mga proteksyon sa mga hors de combat, prisoner of war at mga protektadong indibidwal na alinsunod sa mga batas ng digma.
Anang mga abugado, obligasyon ng estado na galangin at tiyakin na ginagalang ang internasyunal na makataong batas sa lahat ng pagkakataon, katulad ng nakasaad sa Geneva Conventions of 1949 at mga protokol nito, sa Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL), at maging sa batas ng gubyerno ng Pilipinas na Philippine Act on Crimes Against International Humanitarian Law, Genocide and Other Crimes Against Humanity.
Binweltahan rin ng NUPL ang Legal Cooperation Cluster ng NTF-Elcac sa pahayag nito noong Abril 26 kung saan binansagang “CTG-affiliated” ang kanilang mga abugado. “Habang nagkakaiba tayo ng mga pananaw, opinyon at pusisyon, dapat magsumikap tayong maging sibilisado at patas sa ating mga propesyunal na gawain, gumamit lamang ng lenggawaheng may dignidad, iwasan ang mga patamang di angkop, at umiwas sa pagtaguyod ng di ligtas na mga sitwasyon sa anumang kalagayan, katulad ng itinatakda sa atin ng Code of Responsibility and Accountability at sa paggalang natin ng kapwa natin tao,” pagbatikos nila sa kanilang kapwa abugado sa NTF-Elcac.
Tinawag nilang “non sequitur” o walang lohika ang pahayag ng mga abugado ng ahensya na nagsabing nasa nananawagan ng imbestigasyon ang pagpapatunay ng krimen. Ayon sa NUPL, isinasapanganib ng NTF-Elcac Legal Cluster ang buhay ng kapwa nila mga abugado at hinahadlang nito ang independyenteng pagpapatupad ng mga tungkulin sa abogasya.
https://philippinerevolution.nu/angbayan/brutal-na-pagpaslang-sa-mga-tiamzon-at-catbalogan-10-pinaiimbestigahan/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.