Thursday, April 27, 2023

CPP/Ang Bayan Daily News & Analysis: All Philippine Trade Unions, magmamartsa sa Mayo Uno

Ang Bayan Daily News & Analysis online propaganda posted to the PRWC Newsroom, the blog site of the Communist Party of the Philippines (CPP) Information Bureau (Apr 27, 2022): All Philippine Trade Unions, magmamartsa sa Mayo Uno (All Philippine Trade Unions, will march on May Day)
 





April 27, 2023

Naglunsad ng pagtitipon ang iba’t ibang mga sentrong unyon at samahan sa ilalim ng All Philippine Trade Unions (APTU) noong Abril 26 para ianunsyo ang pagsasama-sama nila sa pagmartsa sa darating na Pandaigdigang Araw ng Paggawa sa Mayo 1.

Ayon sa APTU, magmamartsa ang 10,000 manggagawa mula España patungo sa Mendiola sa Maynila para igiit ang pagtataas ng sahod, disenteng trabaho at karapatan sa malayang pag-uunyon.

Ang APTU ay binubuo ng Kilusang Mayo Uno (KMU), Nagkaisa! Labor Coalition, Trade Union Congress of the Philippines (TUCP), Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP) at iba pang mga sentrong unyon at kumpedersasyon. Nabuo ito noong Enero kaugnay ng pagsusumite ng ulat ng Pilipinas sa ILO High Level Tripartite Mission sa kalagayan ng mga manggagawa sa bansa.

“Magmamartsa ang mga manggagawa sa Mayo 1 para itulak ang Malacañang na dinggin ang mga kahingian para sa inclusive roadmap (planong walang pinupwera) para makamit ang disenteng trabaho, at kagyat na aksyon sa panawagang dagdag sahod…Titiyakin naming maririnig ang sigaw ng manggagawang Pilipino saanman sa mundo,” pahayag ni Elmer Labog, tagapangulo ng KMU.

“Hindi na makapaghihintay ang mga manggagawa at malinaw na nararapat na tratuhin ng tama ang mga manggagawa,” ayon kay Paul Gajes, Legislative Officer ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP).

Kasalukuyang nakabimbin sa iba’t ibang upisina ng mga Regional Tripartite Wages and Productivity Boards (RTWPBs) ang mga petisyon ng mga unyon at manggagawa para sa pagtataas ng sahod sa kada rehiyon. Kasabay nito, mayroon ding isinusulong na iba’t ibang panukala para sa dagdag-sahod sa loob ng kongreso.

Binatikos din ng APTU ang patuloy na pag-iral ng kontraktwalisasyon sa bansa. “Milyung-milyon ang walang trabaho, at kung meron man, karamihan ay kontraktwal. Hamon natin sa gobyerno: ibasura ang Department Order 174, iwaksi ang kontraktwalisasyon, at igarantiya ang regular at ligtas na trabaho para sa lahat,” ayon kay Atty.Luke Espiritu, pangulo ng BMP.

Samantala, hustisya ang panawagan ng APTU sa patuloy na pagpatay sa mga unyonista at organisador at iba pang mga paglabag sa karapatan ng mga manggagawa. Sa isinumiteng ulat ng APTU sa ILO HLTPM noong Enero, hindi bababa sa 68 ang naitalang bilang ng mga manggagawang pinaslang na may kaugnayan sa kanilang pag-uunyon habang daan-daan ang kaso ng paglabag sa karapatan sa malayang asosasyon at iba pa.

Makikiisa rin sa pagkilos ang Women Workers’ United, alyansa ng mga kababaihang unyonista na kasabay binuo ng APTU.

https://philippinerevolution.nu/angbayan/all-philippine-trade-unions-magmamartsa-sa-mayo-uno/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.