Wednesday, February 8, 2023

Kalinaw News: Isang rebeldeng NPA Sumuko Matapos Makaligtas sa Dalawang Engkwentro!

Posted to Kalinaw News (Feb 4, 2023): Isang rebeldeng NPA Sumuko Matapos Makaligtas sa Dalawang Engkwentro!



Matapos ang magkasunod na engkwentro sa Bayan ng San Andres noong Enero 27 at Bayan ng San Francisco noong Enero 29, 2023 na nagresulta sa pagkamatay ng tatlong (3) rebeldeng NPA at pagkakaligtas ng mga kasundaluhan sa isang (1) sugatang rebelde. Ngayong araw, Febrero 3, 2023, isang (1) miyembro ng PLATUN REYMARK ang sumuko sa Kasundaluhan at Kapulisan sa bayan ng Lopez, Quezon.

Si Flaviano Andal Jr (Ka Bitoy) na taga Sitio Culong, Brgy San Francisco B, Lopez, Quezon ay kabilang sa mga rebelde sa magkasunod na naengkwentro ng ating mga kasundaluhan.

Siya ay napahiwalay sa kanyang mga kasamahan matapos ang mga palitan ng putok. Nagpasiya siyang umuwi sa kanyang mga magulang dahil na rin sa pangamba niya sa kanyang kaligtasan. Subalit lingid sa kanyang kaalaman, ang kanyang mga magulang ay matagal nang kinakausap ng mga kasundaluhan na kung sakali man siya’y uuwi sa kanila ay kumbinsihin nila itong sumuko na at magbagong buhay.

Ang kanyang mga magulang ay naging benepisyaryo ng mga proyektong pangkaunlaran ng 85IB kasama na dito ang pagproseso ng matatangap bilang isang Senior Citizen. Hindi kaagad makapagpasya si Ka Bitoy dahil sa kanyang pag aalala na baka siya ay masaktan o patayin kung siya ay susuko. Ngunit nang makarating sa kanyang kaalaman na ang atin
mga sundalo ay iniligtas ang kanyang kasamahan na sugatang iniwan sa labanan at sa pagkumbinsi na rin ng kanyang kapatid at mga magulang na ang inyong kapulisan at kasundaluhan ay hindi mga kaaway at hindi dapat katakutan, siya ay nagpasya ng sumuko. Kasama ang kanyang kapatid, ina at ama sila ay lumapit sa himpilan ng kapulisan sa bayan ng Lopez at agad namang dinala sa himpilan ng 85IB sa Brgy San Rafael, Quezon upang sumuko.

Ayon kay Lieutenant Colonel Joel R Jonson ang Battalion Commander ng 85IB, “ang paggamot sa sugatang NPA na iniwan sa labanan ay pagpatunay na hangarin ng inyong kasundaluhan na bigyan ng pagkakataon ang mga rebeldeng NPA na magbagong buhay at pagsunod sa International Humanitarian Law taliwas sa propaganda ng mga makaliwang grupo na ang mga sundalo ay berdugo at mamamatay tao at malaki rin ang epekto nito sa naging pagpapasya ni Ka Bitoy upang sumuko”

Si Ka Bitoy ay tumanggap ng inisyal na pinansyal na tulong mula sa Kasundaluhan at Kapulisan upang kahit paano ay meron siyang pambili ng mga personal na gamit, dahil sa matagal na rin siyang hindi nakakauwi sa kanila at halos tatlong taon siyang nawalay sa kanyang mga magulang.

Samantala, bukas ang Lokal na Pamahalaan, Kasundaluhan at Kapulisan sa mga natitirang miyembro ng NPA na nais sumuko, Hindi kayo mapapahamak bagkus, may nakalaan pang programa ang Pamahalaan para sa inyong pagbabago.
Kasalukuyang nasa pangangalaga ng Kasundaluhan si Ka Bitoy habang inaasikaso ang mga kailangang dokumento para sa mga benepisyo ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP).

Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City.

https://www.kalinawnews.com/isang-rebeldeng-npa-sumuko-matapos-makaligtas-sa-dalawang-engkwentro/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.