Wednesday, February 8, 2023

Kalinaw News: 2 CTG members sumuko sa Sultan Kudarat

Posted to Kalinaw News (Feb 8, 2023): 2 CTG members sumuko sa Sultan Kudarat (2 CTG members surrender to Sultan Kudarat)



CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte – Sumuko sa 57th Infantry (Masikap) Battalion ang dalawang myembro ng Communist Terrorist Group sa Barangay Salangsang at Kapilan, Lebak, Sultan Kudarat Province umaga nitong Linggo (February 5, 2023).

Kinilala ang mga ito na sina alyas Malakas at Justine na parehong aktibong myembro ng Baghdad Platoon, EDF, SRC DAGUMA, Far South Mindanao Region. Dala rin nila ang M16A1 Rifle at M14 Rifle na parehong may mga magazine at bala.

Ang kanilang hindi planadong pagsuko sa 57IB ay naging posible sa pamamagitan ng agarang ulat ng mga residente hinggil sa kanilang presensya sa lugar ayun kay Lt. Col. Guillermo Mabute Jr.

“We were continuously monitoring of their whereabouts after the recent encounter with troops of 7IB in the nearby municipalities where CTGs were believed to have scampered into different directions. Their families are residing in the Area of Operations of 57IB, and that there will be high chances they will return to their respective homes as safest sanctuaries”, ayun kay Lt. Col. Mabute Jr.

Agad na kinilala ni 603rd Infantry (Persuader) Brigade Commander, Brig. Gen. Michael Santos ang matagumpay na operasyon ng 57IB.

Pinasalamatan at binati nito ang kasundalohan ng 57IB sa planado at mabilis na pagkilos na naging dahilan ng pagsuko ng mga natitirang miyembro ng CTG at pagbawi ng mga high-powered firearms at iba pang war materials.

“This is indicative that we are in the right direction as we put our concerted efforts to finally crash down the remaining CTG members who are hiding elsewhere to avoid government troops’ armed confrontation”, ayun kay Brig. Gen. Santos.

Muli namang nanawagan si Maj. Gen. Alex Rillera, Commander ng 6th Infantry (Kampilan) Division at Joint Task Force Central sa mga CTG members na nais magbalik-loob sa pamahalaan.

“Your 6ID constantly reiterating the call to the remaining communist terrorists operating in our Area of Operations to peacefully return to the folds of law, embrace the genuine peace and successfully avail various amelioration benefits offered by the government through Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) and other Balik-Loob Programs of the local government”, pahayag ni Maj. Gen. Rillera.

Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City.

https://www.kalinawnews.com/2-ctg-members-sumuko-sa-sultan-kudarat/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.